^

Pang Movies

Mas bagay sa basurahan? Aktres nag-donate ng mga luma at maruruming sapatos

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Pinagtsitsismisan ng staff ng isang TV show ang aktres na nag-donate ng marumi at luma na sapatos para sa mga nasalanta ng Typhoon Yolanda. Negang-nega ang aktres na dati nang hindi type ng fans dahil sa kanyang itinatago na kamalditahan.

Alam ko na maganda ang motibo ng mga artista na sumasali sa auction at nagbibigay ng donasyon sa mga biktima ng kalamidad pero, utang na loob, piliin n’yo naman ang mga gamit na ibibigay ninyo.

Kung luma at hindi na mapapakinabangan, itapon n’yo na lang sa basurahan. Kawawa na nga ang mga namatayan at nawalan ng properties, lalo pa silang nagiging kawawa dahil sa mga donasyon ninyo na hindi na magagamit. Utang na loob, bigyan natin sila ng dignidad ’no?!

Japan diretsong nagbigay ng tulong kay Mayor Alfred

Nakabalik na si Councilor Cristina Gonzales-Romualdez sa Tac­loban City, Leyte at siya ang kasama ni Mayor Alfred Romualdez sa pag-aasikaso sa kanilang mga kababayan na nangangailangan ng mga tulong.

Natuwa ako dahil personal na ibinigay ng Japan kay Papa Alfred ang kanilang mga donasyon. At least, hindi na gaanong aasa si Papa Alfred sa national government na siya pa ang sinisisi sa destruction na iniwan ni Super Typhoon Yolanda sa Tacloban City.

Madagdagan pa sana ang mga bansa na personal na magbibigay ng tulong at donasyon kay Papa Alfred na hindi nagkulang sa pagtupad sa kanyang mga tungkulin bilang alkalde ng Tacloban City.

Regine personal na pinili ang mga kanta sa album

Ngayon ang presscon ng Hulog ng Langit, ang bagong album ni Regine Velasquez sa Universal Records. Invited ako sa presscon at excited na ako na mapakinggan ang mga kanta ni Regine tulad ng Sa ’Yo na Lang Ako at Araw, Ulap, Langit, na mga official entry sa PhilPop 2013.

Si Ryan Cayabyab ang nagsabi na personal na pinili ni Regine ang mga nasabing kanta para makasama sa kanyang bagong album. Ikinuwento ’yon ni Papa Ryan sa presscon ng PhilPop 2014 na tumatanggap na ng entries mula pa noong Nov. 15.

Tuwang-tuwa si Papa Ryan dahil malakas ang airplay ng halos lahat ng kanta na finalists sa PhilPop 2013 kaya nakakasiguro siya na magiging successful din ang PhilPop 2014. Sa mga gustong mag-join, read ninyo ang ilan sa mechanics:

Amateur and professional composers of any age, including minors provided that they obtain the written consent of a parent or guardian. Resident and non-resident Filipino citizens, or composers of Filipino descent. Composers who are not involved in the competition; the finals judges’ spouses and relatives up to the fourth civil degree of consanguinity or affinity cannot join the competition.

A song entry may be written in a popular or new song genre, or a fusion thereof, in any form or structure, the duration of which should preferably not exceed four (4) minutes. Song lyrics may be in Filipino, a Philippine regional language, a Philippine dialect, English, or any combination thereof.

A song entry must be entirely original, and must therefore not infringe on any existing copyright or any other intellectual pro­perty rights. It must not also be licensed to any publisher; has not been printed and distributed as hard copy, or circulated through the internet; and has not been previously recorded for commercial purposes.

It must not have been performed live in any venue, on traditional radio and television, or Internet, or pre-recorded and uploaded on the internet, or recorded on video or other format for future broadcast. Entries that violate this rule shall be automatically disqualified.

COUNCILOR CRISTINA GONZALES-ROMUALDEZ

LANG AKO

LANGIT

MAYOR ALFRED

MAYOR ALFRED ROMUALDEZ

PAPA ALFRED

PAPA RYAN

TACLOBAN CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with