Natawa si Marian Rivera nang sa lunch after niyang mag-sign ng one-year contract sa SKK Mobile ay biniro namin siya kung mayroon pa ba siyang isusuot. Napamigay na yata niya lahat ng mga damit niya sa lahat ng mga foundation na humihingi sa kanya. Biro rin niyang sagot, bahala na raw ang mga stylist niya kapag may mga event siyang pupuntahan.
Ang ginagawa raw lamang niya, ibinibigay na niya sa mga humihingi sa kanya ng mga damit niya at sila na ang bahala kung gusto nila itong ipa-auction.
Thankful ang Kapuso Primetime Queen sa mga nangyari sa kanya this week at inspired siya lalong magtrabaho kahit halos wala siyang pahinga. Bukod sa dalawang new endorsements niya, sunud-sunod din ang mga good news, like ang pagka-nominate niya sa dalawang category sa PMPC Star Awards for TV, at tinawagan siya ni GMA officer-in-charge for entertainment na si Lilybeth Rasonable, na nominated siyang best actress in a lead role for Temptation of Wife sa Asian Television Festival na gaganapin sa Singapore sa Dec. 4. Co-nominee niya si Lorna Tolentino for her soap naman, ang Pahiram ng Sandali. Ayaw mag-expect si Marian na mananalo siya pero iyong ma-nominate raw lamang ay honor na sa kanya.
It will be a busy Sunday for Marian today dahil sila ng boyfriend na si DingÂdong Dantes ang mangunguna sa telethon sa GMA Network at 12:00 n.n. to 3:00 p.m. entitled Tibay ng Pusong Pilipino. Wala munang Sunday All Stars pero naroon lahat ng mga Kapuso star para tumulong sa telethon at humingi ng suporta para sa mga sinalanta ng bagyong Yolanda na lahat ng proceeds ay ido-donate sa Kapuso Foundation at sa Yes Pinoy Foundation ni Dingdong.
Ilo-launch din nina Dingdong at Marian ang Kapuso Foundation’s Celebrity Ukay-Ukay sa World Trade Center from Nov. 22 to Dec. 1. Isinalin na sa kanila ng mag-asawang Ogie at Regine Velasquez-Alcasid ang pamamahala rito. Lahat din ng proceeds ay mapupunta sa Kapuso Foundation at sa mga naapektuhan ng bagyo sa Visayas.
After the telethon, Marian will proceed to Smart Araneta Coliseum para sa opening ng PBA na siya ang muse ng Ginebra San Miguel. From there, tutuloy naman siya sa isang Kapuso Fans’ Day in a mall sa Cavite.
Sarah puwede nang bagong Concert Queen!
Congratulations sa puwede na bang tawaging bagong Concert Queen na si Sarah Geronimo? Hindi man kami nakapanood ng live sa kanyang Perfect 10 concert sa Smart Araneta Coliseum last Friday evening, nabasa naman namin sa Twitter ang mga nangyari sa concert at kung gaano nag-perform si Sarah at ang pagkabuo ng grupo nila ng champions na sina Mark Bautista, Rachelle Ann Go, at Christian Bautista.
At ang hindi raw malilimutang pagsasama-sama nila nina Lea Salonga at Regine Velasquez. Maulit kaya ito sa repeat ng concert sa SM Mall of Asia Arena sa Nov. 30?