^

Pang Movies

Bagong Singing Bee nagmistulang pang-matatanda, mga senior citizen ang pang-buenamano

MASA...RAP - Ernie Pecho - Pang-masa

Akala namin pang-senior citizen (parang current version ng Hindi Pa Kami Laos) ang bagong Singing Bee, hosted by Roderick Paulate and Amy Perez (ang babaeng pamprito ng galunggong ay extra virgin olive oil!) on Channel 2.

Naging contestant kasi rito sina Bo­boy Garovillo, Carmi Martin, at Ogie Diaz. Pero puwede rin palang su­mali ang mga kabataan sa game show na ang premyo ay isang milyong piso.

Marian, pinakamalaki ang tf na modelo sa kalendaryo

Ang siyete, si Marian Rivera ang highest paid calendar model today: Para mag-pose sa series of calendars ng Ginebra San Miguel, kumalat na super laki ng talent fee para pumayag ang aktres na muling maging modelo ng kalendaryo ng gin, which she did in 2009.

Perfect ang hubog ng katawan ni Marian sa mga kalendaryong tiyak na magpapainit sa mga kalalakihan sa buong taon ng 2014. Surely wala namang retokeng ginawa na dahil likas na maganda ang katawan ni Marian.

Mga Pinoy walang sawa sa pagtulong

Pagdaan namin sa Examiner Street (mula Quezon Ave. hanggang West Ave.) sa Quezon City ay tila higit na humaba at lumawak ang kalye. Nagkasya kasi roon ang mahabang linya ng malalaking trak, bus, panel, jeepney at kotse — na nag-deliver ng mga relief goods sa Sagip Kapamilya headquarters.

Nakakamangha na ang mga ipinadalang tulong sa mga biktima ng Typhoon Yolanda ay umaapaw na sa bangketa at kalye. Kahit malalim na ang gabi, tuloy ang aksyon sa Examiner.

Kaya hindi namin namamalayan na lumuluha na pala kami. This outpouring of love para sa ating mga Pinoy ang pagtulong sa ating mga nangangailangan ng tulong na mga kababayan. Nasa ating kultura ang kabayanihan, ang taus-pusong pagdamay at pakikisama.

Higit tuloy tumingkad ang feeling of Christmas. Paskung-Pasko na ang espiritu ng Kristiyanismong aming nadama. At ti­yak, sa pamumuno ni Tina Monson-Palma ng Sa­gip Kapamilya Foundation, mabilis na mapaparating sa iba’t ibang parte ng bansang niyanig ng bagyo ang lahat ng mga tulong na inyong ibinigay.

Jose Mari wagi ng tatlong tropeo sa CMMA

Congratulations kay Jose Mari Chan sa kanyang tatlong bagong awards sa Catholic Mass Media Awards (CMMA) last Friday evening. Sa kanyang four nominations, tatlong tropeo ang naiuwi niya: Best secular song, Christmas Moments; best secular album, Going Home to Christmas; and best inspirational album, Going Home to Christmas.

Unang nagwagi si Joe ng song of the year sa CMMA para sa Please Be Careful With My Heart in 1990. Ang kanyang double platinum na Christmas in Our Hearts ay multi-awardee rin, 23 years ago.

Still very active in the music industry ay marami pa tayong maririnig na magagandang compositions from Joe.

Yaya Teresa ng Singaporean filmmaker matagal hinanap

Matagal pala bago natunton ang yayang si Tere­sa Sajunia (Auntie Terry), na ang istorya ng pagli­lingkod sa isang Singaporean family noong 1997 ang naging plot ng award-winning film na Ilo Ilo ni Anthony Chen. Nagwagi ito ng Camera D’Or (best first feature film) sa Cannes International Film Festival.

Nang manalo ang Ilo Ilo, naging daan ito upang makita na nila Chen ang dati niyang Yaya Teresa. Lihim ang ibinigay na tulong ng Singaporean sa ma­tiyagang nag-alaga sa kanilang tatlong magkakapatid.

Lahok ng Singapore ang Ilo Ilo sa 2014 Oscars best foreign language film division with Pinay actress Angeli Bayan portraying Yaya Teresa. Tiyak na dadalo sa Oscar Awards si Angeli.

ANGELI BAYAN

ANTHONY CHEN

GOING HOME

ILO ILO

SINGAPOREAN

YAYA TERESA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with