Tom biglang laki ng bukol!

MANILA, Philippines - Paglalawayan naman ng mga bading at babae ang pictorial ni Tom Rodriguez para sa Bench. Wala siyang pakialam na ibalandra ang kanyang bukol sa pictorial niya.

Sa totoo lang, nagpa-sexy na si Tom sa movie niyang Temptation Island. Red brief ang madalas niyang suot sa kanyang mga eksena nang sumabog ang barkong pinagtatrabahuhan. ’Yun nga lang, hindi masyadong kinagat ng publiko ’yon dahil nasentro sa mga bidang babae ang promotions ng movie.

Although nabanggit na ni Tom ang pictorial niyang ito sa Bench nung presscon ng movie niyang Gaydar, wala pang ebidensiya tungkol dito. Eh ipinadala sa e-mail namin ang pictures ni Tom na naka-brief kaya heto ang pruweba ng pagkalalaki niya!

Palibhasa may lahing Amerikano, kayo na ang bahalang humusga kung may padding o wala ang suot na brief para lumaki ang bukol niya.

Ryzza Mae mag-iikot sa mga eskuwelahan para magturo ng mga gagawin sa lindol at bagyo

Pamumunuan ni Ryzza Mae Dizon ang project na My Little Bossings SOS Project na nai-announce ni Vic Sotto sa programa ni Aling Maliit kahapon. Maglilibot siya sa mga eskuwelahan upang bigyan ng impormasyon ang mga batang kaedad niya ng gagawin sa oras ng mga sakuna gaya ng lindol at bagyo.

Maging ang pag-iipon ng plastic bottles ay ipamumulat din ni Ryzza sa mga bata. Kapalit nito ang pagbibigay niya ng pambatang SOS (sandata on sakuna) na ipinamimigay na ng Eat Bulaga.

First time mag-guest ni Vic sa show ni Ryzza kahapon. Nagsayaw siya sa kantang Gentleman at kumanta ng Somewhere Over the Rainbow na na-interpret ni Ryzza. Game na game rin siyang nagsayaw ng Look Up, huh!

Pero siyempre ang isa pang inaabangang mag-guest sa show ni Ryzza ay si Bimby Yap, Jr. na kasama niya sa festival movie niyang My Little Bossings.

 

Show comments