Pokwang gustong mag-action
Hindi lang pala ang pagiging komedyante ang gusto ni Pokwang na bida sa Call Center Girl kundi gayun din sa pagiging action queen. Mahilig kasi ito sa mga fight scene, maaasahan sa fight routines, dahil aniya ay magaling naman siyang sumayaw. Sana raw ay mabigyan siya balang araw na lumabas sa maaksiyong eksena.
Kilala na sa galing umarte si Pokwang, mapa-drama o mapa-komedya, kaya muling nagsanib-puwersa ang Star Cinema at Skylight Films para makapagÂhandog ng katatawanang pelikula para sa buong pamilya na tatampukan din nina Enchong Dee, Ejay Flacon, Jessy Mendiola, at mga komedyanteng sina Chokoleit, K Brosas, Ogie Diaz, at John Lapus. Ito ay sa direksiyon ni Don Cuaresma.
Gagampanan ni Pokwang ang karakter ni TeÂresa na desperado sa pagbuo ng kanyang pamilya at makuha ang pagmamahal ng anak na si Regina (Jessy) na napawalay sa kanya.
Palabas na ang Call Center Girl sa lahat ng cinema nationwide sa Nov. 27.
Inamin naman ni Direk Don Cuaresma na matagal na niyang gustong makatrabaho si Pokwang kaya ngayong tinanggap agad ng komedyante ang proyekto ay excited na si Direk na makatrabaho ito.
Para mapaghandaan ang karakter na gagampanan ni Pokwang ay kumuha siya ng mismong taga-Call Center para ikorek sila bago sumalang sa pag-arte.
Mas nahihirapan si Don sa comedy kaysa sa drama dahil kailangan ng timing sa pagpapatawa. Idinagdag pa rin ng direktor na maglalarawan ang pelikula ng kultura at challenges ng call center agents na nangyayari sa pang-araw-araw na buhay.
Lauren nahahasa sa GMA
Hindi kami magtataka kung bakit alaga ng GMA 7 si Lauren Young at sunud-sunod ang kanyang mga proyekto after Mundo Mo’y Akin. Bida siya ng Dormitoryo at kasama rin sa Genesis.
Malaki ang pagpapahalagang inuukol ng Siyete sa aktres sapul nang dumalo siya sa trade launch nila noong Disyembre.
Naging nominee ito bilang best actress sa indie film na Catnip noong 2012. Malaki ang naitulong ng Dormitoryo para lalo pa siyang mahasa sa pag-arte.
- Latest