Sa gitna ng matinding pagsubok na pinagdadaanan ngayon ng ating mga kababayan sa Leyte, handa namang tumulong ang mga banda ng Metro Manila. Kanya-kanya sila ng pagbuo ng maliliit na konsiÂyerto na iniaalay sa mga biktima ng Super Typhoon Yolanda. Ang ibang ordinaryong show ay biglang nako-convert na rin sa espesyal na benefit gig dahil isinasabay na rin ang panawagan na magbigay ng kahit anong donasyon na ilalagak sa venue.
Isang ehemplo ang ginawa ng Gary Ignacio and the Saintstreet (dating Alamid) sa Malabon. Si Gary Ignacio na vocalist ang isa sa mga nananawagan sa mga kapwa musikero niya na magpa-concert at maglaan ng donasyon.
Ipinadaan ni Gary sa text message ang kanilang kampanya: “Sagip Kabuhayan, a joint project of Malabon Musicians Alliance (MMA) and mga taga-Malabon, ‘yung donation drive namin is from November 11 to 24, culminating in a rock and relief marathon concert where people can bring donations. Featuring sina Darryl Shy, Jek Manuel (Iaxe) with Unlimited Power, Moymoy Palaboy, Angelika dela Cruz and friends, Gary Ignacio and the Saintstreet, and the bands of MMA. Salamat po.â€
Magandang malaman na nagkakaisa pala ang mga artist mula sa Malabon. Sana tumulad din ang ibang lungsod lalo na ‘yung may maraming artista at musikero.
Nagkaroon din ng tinawag na Instagig ang Imago, Pedicab, Kjwan, Sandwich, at marami pang ibang banda sa Km. 19 East bar sa Muntinlupa City kahapon at nangalap sila ng mga damit, gatas, kumot, tuwalya, sabon, toothpaste, gamot, at iba pang pangangailaÂngan sa pamumuno ng www.radiorepublic.ph at sa pakikipag-ugnayan sa Philippine National Red Cross.
Ang Jam 88.3 naman ay may special radio show din para sa Yolanda relief operations nila at isa sa mga naunang pinasalamatan na tumulong ay si Noel Cabangon.
Alicia Keys nagulat sa sinapit ng ’Pinas
Pagkagulat ang nararamdaman ni Alicia Keys sa sinapit ng Visayas dahil sa lupit ni Yolanda. Kahit paano ay apektado rin ang American R&B/pop singer dahil nakatakda siyang mag-concert sa Mall of Asia Arena, Pasay City sa Nov. 25.
Post niya sa Twitter: “@aliciakeys: It’s so shocking how in one place everything is fine and in another people’s world’s are totally torn apart. #Haiyan #prayersâ€.
Malamang sa hindi ay magpapaabot din siya ng konting tulong sa kanyang pagdating o posibleng nagawa na rin niya sa tahimik lang na paraan.
Miyembro ng bandang Kadangyan kasama sa mga namatay sa Tacloban
Pakikiramay naman sa isa mga paborito kong world music/ethno rock na banda, ang Kadangyan, dahil sa nawalan sila ng importanteng miyembro. Namatay ang kanilang bahistang si Agit Sustento sa Tacloban, Leyte.
Ang nakakadurog ng puso ay ang detalye na kasama niyang nasawi ang kanyang asawa, mga anak, at mga magulang sa kasagsagan ng hagupit ng Signal No. 4 na bagyo. Masakit isipin na higit isang buwan na lang ay Pasko na. Paano kaya ang mga naiwang kamag-anak ni Agit at ang iba pang namatayan sa Leyte? Ang mga ari-arian ay puwede pang maibalik pero ang mga buhay na nawala ay hindi na.
Sa pagkakataong ito, nagpapasalamat ako sa Diyos na walang nasawi sa bayan ng aking ina sa Medellin, Cebu kahit daan-daang pamilya rin ang nawalan ng bahay at ang mga naipundar ng maliit na lugar ng Poblacion tulad ng sports complex, eskuwelahan, at iba pa ay nawasak lang lahat.