Ayaw na nga sana ni Gov. Vilma Santos-RecÂto na magkaroon pa ng birthday celebration. ‘Yung plano niya ay noong isang linggo pa sana. Pero sunud-sunod naman ang hindi magagandang pangyayari. Una, namatay ang kanyang biyenang babae habang nagbabakasÂyon sa Cambodia, kaya pati ang bakasyon nila ng kanyang pamilya ay naputol din. Iyon nga sana ang family celebration ng birthday niya.
Pero hindi rin naman tumigil ang mga nagmamahal kay Ate Vi, at sila mismo ang nagpiÂlit na dapat siyang magkaroon ng celeÂbration kahit na late na. After all, napakarami naman niyang kailangang ipagpasalamat sa mga nangyari sa buhay niya.
Isipin ninyo at her age umaariba pa ang kanyang career hindi lamang bilang isang aktres kundi bilang isang public official din. Bilang aktres, napatunayan niya na hanggang ngayon ay suportado siya ng masa dahil nanaÂnatiling box-office hits ang kanyang mga pelikula. Habang ang pelikula ng kanyang mga kasabayan ay tinatanggihan na ng mga sinehan, aba, nag-aagawan pa rin sila sa mga pelikula ni Ate Vi.
Sa panahong ito na ang approval ratings ng ating gobyerno sa kabuuan ay buÂmabagsak dahil sa mga nangÂyayaring corÂruption, at dahil dismayado ang mga tao sa pagpapaabot ng tulong sa mga nasalanta ng mga kalaÂmiÂdad, nananatiÂling napakaÂtaas ng approval ratings ni Ate Vi sa kanyang nasasakupan kaya nga napakalakas ng usapan na may isang pulitikong halos pilitin siyang sumama sa kanilang lineup sa susunod na eleksiyon para mai-save ang kanilang sinking ship.
Pero wala pang plano si Ate Vi sa mga bagay na iyan, kahit na nga pinipilit pa rin siya ng mga kababayan niya sa Batangas na huwag iwanan ang public service.
Higit sa lahat, maganda ang buhay ng kanÂÂyang pamilya. Maipagmamalaki niya ang kanyang mga anak na parehong may acÂÂcomÂplishÂments na rin naman on their own. NakaÂkapag-aral nang mahusay. May nagagawang may katuturan. Hindi kagaya ng iba na walang matinong pamilya.
Marami talagang dapat na ipagpasalamat si Ate Vi kaya ayos lang naman ang celebration na iyon.
Cristina kumapit sa haligi kaya nakaligtas sa mataas na alon
Noong kasagsagan ng bagyo, kasama namin si Tita Aster Amoyo na nag-treat sa amin ng bonggang dinner sa kanyang restaurant sa BGC, Taguig City, ang Toki restaurant. Pero habang nagdi-dinner kami, alalang-alala siya dahil tinatawagan daw niya ang dating aktres at ngayon ay konsehal sa Tacloban na si Cristina Gonzales pero hindi iyon sumasagot sa kanyang mga tawag. Natural lang na kabahan siya dahil alam niya na noong araw na iyon ay talagang hinahagupit ng bagyo ang Tacloban at lumakas ang malalaking alon.
Talaga palang disaster dahil ikinuwento nga ni Cristina pagkatapos na maging ang isang bahay na pansamantala nilang nilipatan ay winasak ng maÂtaas na alon mula sa dagat at kung hindi nga raw sila nakakapit ng husto sa mga haligi, baka namatay din sila sa pangyayaring iyon.
Talagang malaki ang sinira ng bagyong Yolanda.
Aktor nakiamot sa nakolektang groceries para sana sa relief operations ng network, may bitbit na nang umuwi
Nakakahiya naman ang ginagawa ng isang akÂtor. Nag-volunteer siya sa relief operations ng kaÂnilang network. Pero nang umuwi siya, may naÂkakita na may mga dala siyang groceries na galing doon sa mga donasyon. Ang katuwiran niya, wala raw kaÂsing magluluto para sa kanya pagdaÂting niya ng bahay dahil maghapon na siya sa opeÂrations.
Isipin naman ninyo, sa halip na maibigay iyon sa mga higit na nangangailangan eh inamÂbus pa niya. Puwede naman siyang bumili kung iisipin.