Nanawagan ang aktres na si Angel Locsin para tulungan ang mga taong nasalanta ng bagyong Yolanda sa Bisaya. Ang aktres kasi ay isang volunteer worker ng Philippine National Red Cross. Hindi siya volunteer na ginagamit lamang for pictorial purposes o iyong kung sabihin ng iba eh “ambassadors of goodwill†na sa totoo ay pang-picture-taking lang naman. Si Angel ay iyong talagang sumasama sa mga relief and rescue operations at nagtatrabaho kagaya ng iba pang mga Red Cross volunteer.
As usual, nanawagan din ng tulong ang ABS-CBN, ang GMA 7, at maging ang UNTV, mayroon ding isinasagawang relief and rescue operations. Diyan namin napupuri ang UNTV, dahil alam naman natin na iyon ay isang religious station pero kahit na hindi miyembro ng kanilang sekta ay tinutulungan nila, hindi kagaya ng iba riyan.
Nanawagan din ang Megastar na si Sharon Cuneta ng tulong para sa mga nasalanta ng bagyo.
Si Governor Vilma Santos-Recto naman, noong kasagsagan ng bagyo ay nanatili sa kapitolyo at siya mismo ang nag-supervise ng relief operations sa mga bayan ng kanyang lalawigan dahil signal number 2 din naman sa Batangas at dumanas sila ng napakalakas na ulan.
Nakita rin namin sa kanyang social networking account ang panawagan ng male star na si Mike Tan sa mga taong gustong maging volunteer sa pagÂhahanda ng relief packages na kailangang ipadala sa mga biktima kasi napakabagal na nga naman ng relief operations na ginagawa at iyon ang dahilan kung bakit nagkakaroon na ng looting kasi gutom na ang mga tao. Hindi mo sila masisi eh kasi nababad na sila at namatayan sa bagyo ’tapos kumakalam pa ang sikmura nila at wala na silang makain at maiÂnom.
Maging ang Santo Papa Francis ay nanawagan na sa lahat ng mga Katoliko para magdasal at magbigay ng tulong sa mga biktima ng bagyo.
Diyos lang ang maaasahan...
Hanggang kaninang umaga, sinasariwa pa ni Love Añover ng GMA Network, ang kanilang kaÂranasan dahil sa bagyong Yolanda, nang magtago sila sa isang simbahan, na natangay din naman ng malakas na hangin ang bubong. Makikita mong may shock pa siya talaga.
Naging isang byword ang pangalan at nagmukÂhang hero si Atom Araullo ng ABS-CBN dahil sa kanyang komprehensibong paghahatid ng balita at pagtulong sa mga nakikita niyang biktima ng bagyo kahit na siya mismo ay halos tangayin na rin ng malakas na hangin.
Ang mga taong ganyan ay nakapagbibigay sa atin ng lakas ng loob dahil alam natin na may mga tao pa ring concerned sa atin.
Iyong pananalo ni Ariella Arida bilang third runner-up sa Miss Universe at ang panalo ni Nonito Donaire, Jr. noong isang araw ay nakapagbigay ngiti pa rin sa marami sa atin, habang iyong mga biktima ng bagyo ay nagnanakaw na dahil sa gutom. Wala na talaga tayong maaaring asahang iba kundi ang Diyos.