Habang nasa California, USA si Gerald Anderson, hanggang doon ay tumatanggi siya sa balitang nagkakalabuan na sila ni Maja Salvador.
Sa trend kasing hiwalayan ng mga artistang magkatipan, isinunod na ng mga propeta ng lagim ang kanilang mga pangalan sa malapit nang mag-break up. Nauna sina Billy Crawford at Nikki Gil. Sumunod sina Luis Manzano at Jennylyn Mercado. Pati nga sina Zanjoe Marudo at Bea Alonzo, na maganda ang pagsasamahan, inihilera na rin sa mga magkakasira.
Doon pa sa States kinulit ng maling balita si Gerald at natatawang may halong pagka-inis ang kanyang pag-usisa sa kanya ng mga Fil/Am doon. Siya mismo ang nagpatunay na everything is going fine in their love affair and he is looking forward to a very happy holiday season with Maja.
Nonito makakapuntos sa pelikula ‘pag na-knockout ang kalaban
Kapag naipalabas na ang Palad Ta ang Nagbuot na bida si Nonito Donaire, Jr. na siya ang leading man, higit na maisusulat na siya sa mga movie column.
Madadagdagan ang box-office ng Visayan film remake kapag na-knockout ng Pinoy champion si Vic Darchinyan sa laban nila sa Texas today.
Ang dating original na pelikula nina Gloria Sevilla at ng yumao niyang mister na si Mat Ranillo, Jr. na merong updated version, ay isa na namang katunayan na lumalago ang regional film industry. Meron ng mga pinalabas na Chabacano at Ilocano movies dito at sa ibang bansa. Ngayon ay Cebuano (Visaya) naman ang mapapanood natin.
Aktres na nagpaka-INC na, naitsapuwera sa malaking pelikula!?
Tuluy-tuloy na ang shooting ng Sugo at tinitiyak na aabot ito sa target playdate sa July to celebrate the 100th anniversary of Iglesia ni Cristo o INC. Gabby Concepcion takes over the role left by Sen. Bong Revilla, Jr. at sa pahayag ng aktor ay masaya silang lahat na involved sa super production.
Sina Richard Gomez at Albert Martinez ang dalawa pang lead actors sa Sugo, supported by many popular stars and directed by Tikoy Aguiluz. Tiyak na pupunta pa sila sa States to shoot numerous key scenes.
Samantala, masaya ang isang beteranang aktres sa kanyang ginawang paglipat sa INC. Noong una kaÂsing nag-announce ng mga lalabas sa Sugo, kasali ang paÂngalan niya.
Nagtataka lang siya na mukhang nangangalahati na ang pelikula ay wala pa siyang natanggap na call slip. Nabigyan naman daw siya ng notice noong unang press conference ng film project sa Quezon City Sports Club at dumalo siya.
Tiyak namang wala siyang balak na lumipat uli ng relihiyon kapag hindi natuloy ang role niya sa Sugo.
Ariella roommate at best friend si Miss Canada pero si Miss China ang ibinotong Miss Congeniality
Tiyak sabay-sabay na tayong nakatutok sa TV for the Miss Universe beauty pageant sa Moscow, Russia.
Doon pala ay roommate ni Ariella Arida ang Miss Canada, isang Fil/Canadian beauty queen na si Risa Santos. Pansamantalang sinubukan ni Risa ang Pinoy showbiz pero bumalik din siya sa Canada.
Sa Moscow ay naging mag-best friend sila ni Ariella, na ang binotong Miss Congeniality sa mahigit na 80 candidates ay si Miss China.
Miss U crown nag-iba-iba na
Iba’t ibang klase na ang naging Miss Universe crowns. Ang isinuot kay Gloria Diaz na naiuwi niya ay madalas naming makitang suot ni Mar Cornes noong buhay pa ang writer/PR man.
Meron palang diamond nexus crown, iconic rhinestone crown, at ang US$250,000 Mikimoto pearl and diamond tiara na maaaring maisuot ng isang Pilipina.