Juday bilang na bilang ang mga sagot ni Janet Napoles

Isa si Judy Ann Santos sa mga artistang tumutok sa TV coverage ng appearance ni Janet Napoles sa Senate hearing. Ayon kay Karen Davila, bilang na bilang ni Juday kung ilang beses sumagot ng “‘di ko alam” - 54 times — ang alleged master mind ng pork barrel scam. Siyempre marami rin ang mga tugon na “I forget and I invoke my right.’’

Kahit nagpilit manahimik si Napoles, meron din namang nakuha sa kanyang appearance sa senado.

Maraming senador ang nagsabing halatang nag­­sisinungaling ang bilyonarya, pero agad tumutol kung maaring buksan ang kanyang mga bank accounts, upang malaman kung gaano talaga siya kayaman.

Say ng mga showbiz insiders, meron nang ma­gagamit sa akmang titulo sa isang forthcoming tele­drama : ‘‘Di Ko Alam.’’

Annabelle pigil na pigil magsalita

Si Annabelle Rama naman, mahigit na anim na buwan nanahimik at hindi humarap sa media. Kahit obvious na marami siyang mga sikretong gustong sabihin napigilan niya ang sarili na balikan ang dati niyang kadaldalan.

Ibang Annabelle ang nakausap namin sa presscon ng forthcoming TV reality show, It Takes Gutz To Be A Gutierrez, to be produced by Mike Ca­randang’s TV 100 ng One Mega Group. Kasali rin sa project ang Inside Showbiz magazine, na da­ting pag-aari ni Aster Amoyo at ipinagbili kina Sari Yap.

Layunin ng two-part TV special na ipakita ang pinakakatagong privacy ng Gutierrez family, lalo na nina Richard at Raymond and Ruffa Gutierrez. Ang buong pamilya, ka­sama ang ibang anak na sina Rocky, Elvis at Richie Paul, pati ang mga apong sina Venice at Lorin ay magbabakasyon sa Malay­sia at Singapore at doon ku­kunan ang reality show na It Takes Gutz To Be A Gutierrez, sa direksiyon ni Mike Carandang.

Pigil ang pagsasalita ni Annabelle dahil ayaw niyang mai-reveal agad ang mga sorpresang mapapanood sa show. Maraming pasabog dito, dagdag pa sa usual na pag-aaway ng  mag-inang Ruffa at Annabelle.

‘‘Actually hindi naman away ’yon, mga pagtatalo lang o diskusyon, na at the end of the day, kami palagi ni Eddie ang panalo,’’ bida ni Annabelle. Ibig sabihin nito intact pa rin ang respeto at pagiging masunurin ng magkakapa­tid sa kanilang parents.

Hinihintay ng press ang pag-reveal ni Richard tungkol kay Sarah Lahbati, pero hindi pa ito naganap.

Kasalang Maya at Ser Chief uunahin ang reception

Inaabangan ang engrandeng kasal nina Maya (Jodi Sta. Maria) at Ser Chief (Richard Yap) sa Be Careful With My Heart, na ipapalabas sa Nov. 15. Sobra ang budget sa wedding of the year. Sa extra pa lang 1,000 ang kinuha, na dadamitan lahat ng produksiyon.

Sa Linggo sana ang taping ng big scene, pero nataong fies­ta sa lugar at busy ang sim­bahan doon, kaya mauunang kunan ang reception, na hindi na kailangang magluto ng maraming putahe, dahil mara­ming handaan sa pistahan.

``Ang kasalan ang magbabadya ng pagiging  parents nina Maya at Ser Chief, kaya muk­hang matagal pa sa ere ang top rating teleserye.

Binibining Pilipinas iniisnab ang mga local designers

Ang dami nating mahuhusay na fa­shion designer and couturier, pero bakit ang isi­nuot na gown ni Ariella Arida sa pre-pageant competition ay gawa ng Columbian na si Alfredo Barraza?

Nakita namin ang nasabing long gown na higit na maraming mas maganda dito sa mga tinitinda sa Bb. Pilipinas boutique ni Stella Marquez Araneta.

Samantala, ang feeling ni Ariella Ari­da, maiuuwi niya ang Miss Universe crown. Ang mga main sponsors, siyang kinukuha sa mga photo shoot for their products. Ma­da­las siya lang ang Asian candidate na ka­sama sa pictorial. Very confident ang ma­rami na siya ang susunod na magiging title holder after Gloria Diaz and Margie Moran.

Show comments