Ang tunay na buhay ni Dingdong Dantes ilalantad!
MANILA, Philippines - Samahan si Rhea Santos na silipin ang Tunay na Buhay ng Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes ngayong Sabado ng gabi, Nobyembre 9.
Iñaki, Carlos Miguel, Ybrahim, Sergio, at Fredo ang ilan lang sa tumatak na roles na ginampanan ni Dingdong sa GMA. Ipinanganak noong August 2, 1980, si José Sixto Raphael González Dantes o mas nakilala bilang Dingdong Dantes, ang panganay sa limang magkakapatid.
Bata pa lamang si Dingdong ay nakitaan na siya ng potensiyal para maging artista. Sa katunayan, dalawang taon pa lamang siya nang gawin niya ang kanyang unang commercial. Mula sa pagiging commercial model, naging miyembro rin siya ng Abztract Dancers, naging de kalibreng aktor, host, at director, at ngayon ay isa na ring producer. Ang teleserÂyeng Genesis ang bago niyang pinagbibidahang proyekto ngayon na ayon sa kanya ay isa sa pinaka-challenging na karakter na kanyang ginampanan.
Ngayon Sabado, ikukuwento ni Dingdong ang kanyang mga karanasan sa buhay at showbiz, at ipasisilip din niya ang kanyang bahay sa unang pagkakataon sa telebisyon. Magbabahagi rin siya ng kuwento tungkol sa halos apat na taon nilang relasyon ni Marian Rivera.
Huwag palampasin ang Tunay na Buhay ngayong Sabado ng gabi, Nobyembre 9, sa GMA.
- Latest