LT inayawan ang german doctor!

Sa presscon ng German internist and general prac­titioner na nagbibigay ng Organotherapy with Fresh Cells, si Dr. Robert Janson-Mueller, ikinuwento ni Manay Lolit Solis na kasama si Lorna Tolentino ay nag-undergo na ng procedure in Germany last year, inireto raw niya si Dr. Mueller kay Lorna. Pero hindi raw niya nakumbinse si Lorna dahil mas matanda pa raw siya kaysa doctor. Lorna is more than 50 years old na samantalang 40 years pa lamang si Dr. Mueller. 

Nakausap din namin si Joey Santos, ang country representative ng German clinic at natanong namin siya tungkol sa tanong ng marami kung hindi raw ba kasalanang pumatay sila ng mga batang tupa na kinukunan ng fresh cells na ini-inject sa mga pasyente, sagot niya, legal daw iyon sa Germany. At iyon daw namang namatay na tupa ay ipinamimigay nila o ibinibenta nila sa market ang meat. Ang clinic daw nila ay may 900 to 1,000 sheeps. 

Wala palang limit ang pagpapa-inject ng pasyente, the most is every six months. Every treatment ay eight to ten injections depende sa kind of sickness at ang patient ay magpapahinga muna ng 24 to 36 hours after the injection, pero four days lahat ang stay nila doon bago sila umalis sa clinic.

Si Rep. Imelda Marcos ay 1969 pa unang nagpa-stem cell. According to Manay Lolit, muli silang babalik ni Lorna sa June next year sa Germany for their next treatment.

Dennis walang planong lumipat!

Dapat ay si Dennis Trillo ang special guest ni Ryzza Mae Dizon, sa kanyang The Ryzza Mae Show para mag-promote ng kanyang indie film na Sapi, pero nagkasakit si Aling Maliit kahapon, kaya maaga na lamang pumasok ang Eat Bulaga.

Marami nang fans ni Dennis ang nagtatanong kung lilipat daw ng ibang network si Dennis na matatapos na ang contract sa GMA Network sa January, 2014. Nang huling makausap si Dennis sa launch ng TomDen album nila ni Tom Rodriguez for GMA Records, wala naman siyang isinagot. But one who is close to him ang nagsabing sa palagay niya ay hindi naman lilipat si Dennis ng ibang network at pinanghahawakan daw niya ang sabi ni Dennis noon na hindi niya iiwanan ang GMA dahil ito ang nagbigay sa kanya ng lahat ng breaks na kailangan niya nang lumipat siya rito a few years ago. So far, wala raw naman siyang naririnig na reklamo kay Dennis laban sa kanyang network.

Dennis daw is looking forward sa two weeks vacation with work nila ng buong cast ng My Husband’s Lover dahil sa shows nila roon.  Ibinigay niya ang schedule ng kanilang U.S. Concert: Nov. 22, San Mateo Performing Arts, San Mateo, California; Nov. 24 sa Thunder Valley Casino, Sacramento, California; Nov. 30 sa Lindale Middle School Auditorium; Dec. 1 sa Amazura Concert Hall, New York; Dec. 7 sa Centinella Performing Arts, Glendale, California, at sa Dec. 8 sa San Diego California.

Show comments