Miss World organizer nabali ang tadyang inoperahan agad; Megan naaksidente sa Haiti, pinuntahang orphanage bumagsak!
MANILA, Philippines - Labis ang takot at pagkakabigla ng 2013 Miss World na si Megan Young sa isang aksidente na kanyang kinasangkutan. Habang nagsasagawa kasi ng charity event sa Port Au Prince, Haiti, noong Huwebes, October 31 ay nasangkot ito sa nasabing aksidente.
Isang orphanage ang binisita ni Megan, kasama si Miss World Chairman Julia Morley. Nagkaklase sa ikalawang palapag ang may 78 na bata ng nasabing bahay-ampunan nang dumating sina Megan at Ms. Morley.
Nang makita ang Ms. World na si Megan ay agad na lumapit sa kanya ang mga bata at nagkagulo na. Dito na buÂmagsak ang kanilang kinatatayuang sahig.
Nagtamo si Megan ng mga “cuts and bruises†ayon pa sa ulat.
Ang labis na nasugatan ay si Ms. Morley at isang estudyanteng nagngangalang Jonathan, nang buÂmagsak ang ikalawang palapag, na may taas na halos sampung talampakan.
Agad na isinugod sa ospital sina Ms. Morley at Jonathan, na parehong nagtamo ng maÂtinding fracture.
Nagdesisyon ang doktor na tumingin kay Ms. Morley na ilipad siya sa Miami, Florida, upang sumailalim sa operasyon.
Kasalukuyang nasa Jackson Memorial Hospital sa Miami ang beauty pageant organizer, pagkapatos sumailalim sa lima at kalahating oras na opeÂrasyon upang maibalik sa tamang ayos ang kanyang balakang.
Samantala, nakabalik na rin sa Amerika si Megan, na hanggang ngayon ay gulantang pa rin sa pangyayari.
Inilahad ni Megan ang mga pangyayari sa isang panayam sa kanya, na lumabas din sa Miss World website.
“We went into the orphanage hoping for a good day.
“I was happy that day and the children we were with seemed so full of energy and joy.
“We get onto this second floor platform, and we aren’t even there for a minute and we hear a crack and everybody falls through.
“Nothing like that has really happened to me before. It was such a shock. I felt like a deer in the headlights.
“I didn’t really know what had happened or what to do.
“We had all fallen down, but I was still on my feet.
“I had the crown in one hand and the other hand instinctively holding up one of the decks in place with two people.
“There were lots of kids under the decks still and we just instinctively held on.
“It was such a scary situation for me.
“It makes you realise there is so much more that should be done for these kids.
“It’s not the only orphanage out here in Port Au Prince, and I am sure others are in a similar state.â€
Umaasa rin si Megan sa mabilis na paggaling nina Ms. Morley at Jonathan.
Ani Megan, “We just hope that Julia recovers from it as quickly as possibly and dear Jonathan.
“My thoughts are with them at this time.
“It was a real eye opener and just shows how much work needs to be done in Haiti.
“I want to go back and continue with the work that we have started, and make sure nothing like this can happen again,†pahayag pa ni Miss World 2013 Megan Young na labis labis ang pasasalamat sa pagkakaligtas sa aksidente.
- Latest