Video ni Arnold Clavio, blockbuster

Hindi pa kami nagkakausap ni Arnold Clavio kaya hindi ko pa alam ang reaksyon niya sa kontrobersiyal na video ng pag-uusap nila ni Atty. Alfredo Villamor, ang lawyer ni Janet Lim-Napoles.

Hindi puwedeng hindi ko tanungin si Papa Arnold dahil kumbaga sa pelikula, blockbuster ang video ng interbyuhan portion nila ni Atty. Villamor sa Unang Hirit.

Speaking of blockbuster movies, maging blockbuster sana ang Status: It’s Complicated, ang bagong pelikula ng Regal Entertainment Inc. na magbubukas ngayon sa mga sinehan.

Maid nina Sid, nabiktima ng budol-budol!

Paulit-ulit ang mga report sa radyo, TV, at diyaryo tungkol sa modus operandi ng Dugo-Dugo Gang pero hindi pa rin natuto ang ilan sa  mga kababayan natin.

Ang kasambahay ni Bing Pimentel ang latest na muntik nang mabiktima ng Dugo-Dugo Gang. Si Bing ang madir ni Sid Lucero at wala siya sa bahay nang makatanggap ng phone call ang  kasambahay niya.

Inutusan ng caller ang maid of honor na kunin ang lahat ng mga alahas at pera ni Bing dahil naaksidente  raw ito. Kailangan daw ng datung para sa hospitalization ng kanyang amo.

Nataranta at naniwala ang maid dahil ipinakausap pa sa kanya ng caller si Bing na medyo iba ang boses dahil kiyeme-kiyeme nga na naaksidente.

   Inipon ng maid of honor ang lahat ng alahas ni Bing na ginagamit nito sa mga taping. Ang ibig sabihin, custom jewelries, at hindi totoo ang mga alahas. Walang datung na nahagilap ang maid dahil hindi naman yata nag-iiwan si Bing ng pera sa bahay.

Mabuti na lang, dumating ang driver ni Bing kaya nalaman nito ang buong pangyayari. Ang driver ang nagkuwento sa umiiyak na maid na hindi totoo na naaksidente si Bing at posibleng mga miyembro ng Dugo-Dugo Gang ang tumawag sa landline nila.

Naloka si Bing nang ipaalam sa kanya ang mga kaganapan. Nag-worry siya para sa kasambahay na baka lalong napahamak kapag nalaman ng Dugo-Dugo Gang na  mga custom jewelry lang ang bitbit ng maid of honor.

Naalaala ni Bing na ipinalagay niya sa telephone directory ang kanyang pangalan at telephone number kaya nalaman ng mga masasamang loob ang contact number niya.

Ang karanasan ni Bing at ng kanyang kasambahay ay isang babala sa lahat na maging maingat. Huwag basta paniniwalaan ang mga hindi kilalang tao na tumatawag sa inyong mga telepono at naghahatid ng mga kaduda-duda na balita.

Bago maniwala sa mga caller, tawagan ang inyong mga amo o kamag-anak na isinasangkot ng caller sa mga aksidente. Higit sa lahat, magduda ka­pag nanghihingi ng alahas at pera ang mga caller dahil tiyak na masama ang kanilang motibo.

Theme song ng mga serye ng Kapamilya, sasayawin ng mga taga-Philippine Ballet

Hindi na ako nakapunta kahapon sa presscon ng Sayaw at Serye dahil sa previous commitment na tinanggap ko.

Ikinuwento na lang sa akin na sasayaw ang mga dan­cer ng Philippine Ballet Theater sa tugtog ng mga theme song ng mga teleserye ng ABS-CBN.

Project ni Chacha Camacho ang Sayaw at Ser­ye. Si Chacha ang presidente ng Philippine Ballet Thea­ter at ang ilapit sa masa ang art ng ballet dan­cing ang motibo nila sa pagtatanghal ng grupo sa Cul­­tural Center of the Philippines sa November 15 at 16.

 Special guest sa Sayaw at Serye ang mga winner at contestant ng The Voice Philippines. May special participation din ang isang sikat na male singer pero ayaw muna na ipabanggit ang name dahil magkakaroon ng conflict sa isang major show niya.

Suportado ng ABS-CBN ang Sayaw at Serye. Sa mga gustong manood, puwedeng mag-inquire sa PBT office na may telephone number 632-8848. Mabibili rin ang tickets sa CCP Box Office, 832-3704 at Ticketworld, 891-9999.

 

Show comments