Masaya at nagpasalamat si Megastar Sharon Cuneta sa mga executive ng TV5 na tinanggap niyang mag-host, with Ogie Alcasid, ng musical show nilang The Mega and the Songwriter na napapanood every Sunday, 9:00 p.m.
“Nang magsimula na kaming mag-taping I didn’t realize na I miss singing na pala dahil ang tagal na rin iyong last musical show ko noon,†sabi ni Sharon nang bumisita kami sa set nila kamakailan. “Inamin ko na hindi ko masyadong feel ang talk show at time slot na ibinigay nila sa akin nang lumipat ako rito. When they offer me this show at saka isa pang sitcom, ang Madam Chairman, talagang nag-enjoy na ako. Dito, parang hindi kami nagso-show ni Ogie, kanta lamang kami nang kanta. Last week ay nag-start na kaming magkaroon ng tribute sa mga singer at nakakatuwa na nagustuhan nila iyong tribute namin kay Rey Valera last Sunday na hindi ko napigilang umiyak dahil halos lahat ng mga composition ni Rey may kinalaman sa mga pelikula kong ginawa noon sa Viva Films and it brings beautiful memories to me.â€
Ngayong gabi naman ay may tribute sila sa singers na sina Gloria Estefan at Patti Austin. Guest nila si Cookie Chua.
“Double taping kami ng episodes ngaÂyon at ang next tribute kay Elvis Presley. Guest namin ang paborito kong leading man, si Richard Gomez,†napa-smile si Shawie.
Nagkuwento rin siya na tungkol sa organic farm ng husband niyang si Kiko Pangilinan at hindi raw totoo na kakandidatong vice president ng Pilipinas ang asawa dahil alam niya wala iyon sa immediate plans ng dating senador. Bukod sa organic farm nila sa Alfonso, Cavite, inaasikaso rin ni Sen. Kiko ang ipinatatayo nitong bahay sa farm at ang bagong bahay nila sa lote nila sa West Grove, Sta. Rosa, Laguna na dating weekend house lang.
Naitanong din kay Sharon kung alam niyang nililigawan daw ni Paulo Avelino ang panganay niyang si KC Concepcion.
“Oh, yes, nasabi sa akin ni KC na nagdi-date raw sila ni Paulo. She’s old enough naman and I trust her. Alam kong she’s responsible anumang decision na gawin niya,†diretsong sagot ng Megastar.
Marian excited na mag-guest sa tv station sa Vietnam
Nakausap namin si Marian RiÂvera at sinabi niyang mamayang 12:00 noon ang flight nila ng manager niyang si Rams David for Saigon, Vietnam. Na-excite siya nang malaman niyang invited siya ng TODAY TV, isa sa networks sa Vietnam na nagpakilala ng mga Filipino drama sa kanilang bansa. Isang pagkakataon iyon na makapagpapasalamat siya sa fans ng mga Kapuso show tulad ng dalawa niyang unang ginawa sa GMA 7, ang Marimar at Dyesebel.
May press conference muna si Marian with the local press doon bago ang dalawang fans’ day niya ng Nov. 4 at 5. Babalik siya sa bansa sa Nov. 6 at sa Nov. 9 ay magsisimula nang mag-taping ang GMA Primetime Queen ng bago niyang soap na ipalalabas sa JanÂuary.