Julia naungusan na ni Jessy?

MANILA, Philippines - Weather-weather lang talaga sa showbiz. Ngayon ay mainit si Jessy Mendiola. Natalbugan na niya si Julia Montes. Magbuhat nang matapos ang Muling Buksan ang Puso ay biglang nawalan ng ingay si Julia M. Mabuti pa nga sina Enrique Gil at Enchong Dee, may project ngayon.

Pero hindi kaya ikalaki ng ulo ni Jessy na crush din siya ngayon ng magkakapatid na basketbolistang sina Jeric at Jeron Teng? Puring-puri rin ang acting ni Jessy sa Maria Mercedes na No. 1 teleserye ngayon sa ABS-CBN.

Panahon ba talaga ni Jessy? Ryan nagsiguro na sa GMA

Nagsiguro si Ryan Agoncillo. Mas pinirmahan niya ang kontratang alok ng GMA. May nagkokomentong nasaktan ba si Ryan sa pagtsugi ng kanyang Talentadong Pinoy sa TV5? Ang taas nga naman ng rating, at ang daming komersiyal, tigokin ba naman sa ere? Nakakadismaya ang ganung situation sa isang celebrity. Lalo’t napamahal na sa ’yo.

Tulad ng Wowowillie, tinepok din. Well, walang magagawa, karapatan ito ng mga producer ng TV station.

Charee kinakabog si Lovi

Kahit kontrabida ang papel, suwerte nang maituturing ni Charee Pineda ang role niya sa Akin Pa Rin ang Bukas. Halos sa Bulakenyang star nakatutok ang istorya na inaagaw niya ang lahat kay Lovi Poe. Imagine, mapaibig ba naman niya ang unico hijo ng milyonaryang si Liza Lorena na si Gary Estrada?

Pa-easy-easy lang kasi ang role ni Lovi sa istorya, umiiyak-iyak lang sa kaapihan. Samantalang si Charee, ayun, todo ang effort na magalit sa kanya ang mga nanonood sa kanilang drama series.

Personal…

Congratulations sa mga kababaryo naming nanalo sa barangay elections! Pagbati kina Allan Bautista bilang chairman at ang mga kagawad na sina Sherwin Magat Manuel, Mon Maglonzo, Nerie San Juan, Marie Buan, Onad Domingo, Ilyong Buenaventura, at Pilarica dela Merced.

                                                                                      

Show comments