Miss na ni Ogie Alcasid ang kanyang mag-ina, Regine Velasquez and son Nate, na kasalukuyang nasa States for the Silver series of concerts doon. Gusto man niya silang sunduin, tiis-tiis na lang dahil pabalik na rin sila this week. Lagi raw naman silang magkausap sa cell phone tulad nga nang bumisita kami sa taping ng musical show nila ni Sharon Cuneta, ang The Mega and the Songwriter sa TV5 Reliance (Mandaluyong City) studio nila na nag-excuse siya sandali para kausapin si Regine.
Natanong si Ogie kung ano ang feeling niya nang ma-meet na niya ang boyfriend ng kanyang eldest daughter na si Leila nang pumunta siya sa Australia last month. Weird daw ang feeling niya dahil Leila is only 16 years old, ang boyfriend naman nito ay 17. Pero masaya siya for his two daughters dahil disiplinado raw ni Michelle (his former wife). May allowance raw lamang silang ibinibigay sa kanila at ang usapan nila, ang pera lamang nila ang gagastusin nila at kapag naubos, kung may bibilhin pa sila, hihintayin nila ang susunod na allowance nila. Pero sa tatlong anak, ang mukha raw ang mag-aartista ay si Nate, showbiz daw ito na kapag kasama nilang nagsa-shopping ni Regine, kaway nang kaway sa mga tao ang anak who is turning two years old na sa Nov. 8.
Happy si Ogie sa tatlong shows niya sa TV5 bukod pa sa position niya as the music business head ng network which should make money raw kaya he has to create business plans and projections. Kaya kasama rin siya sa conceptualization ng The Mega and the Songwriter. Marami silang gusto sanang i-guest sa show like si Pop Princess Sarah Geronimo pero alam daw nilang hindi naman papayagan. Naalaala nga raw niyang noong 14 years old pa lamang si Sarah ang tawag sa kanya nito ay “Sir Ogie†pero matagal na silang hindi nagkakasama nito sa show. Hope raw nila ni Sharon na mai-guest din sina Gary Valenciano, Martin Nievera, Jose Mari Chan, Freddie Aguilar kapag nag-pay tribute sila sa kanila. Tomorrow at 9:00 p.m. they will pay tribute to Gloria Stefan.
Dennis at Tom babalik sa balwarte ng Kapamilya para mag-VJ
Almost a month na ring nag-goodbye ang pink serye ng GMA 7 na My Husband’s Lover pero patuloy pa ring tinatangkilik ng fans ang Tom Rodriguez at Dennis Trillo or TomDen team lalo na at nai-launch na formally ang kanilang first TomDen album from GMA Records. Pareho namang good singers ang dalawa kaya lahat ng eight OPM songs nila ay potential hits. Nag-No. 1 agad ang album sa iTunes at sa mga record bar. Ang song na Ikaw ang Sagot, sang by Tom ay siyang theme song ng bagong Koreanovela na mapapanood sa GMA 7 simula sa Monday, ang 100 Years Legacy. Ang carrier single nitong Forever ay igagawa nila ng music video.
At for the month of December, balik-ABS-CBN (kung saan sila nagsimula) sina Dennis at Tom dahil sila ang celebrity video jockeys ng MYX para i-promote ang kanilang album at music video. At bukas, Nov. 3, may mall show sila sa SM Marilao sa Bulacan at sa Nov. 10 ay sa District Mall of Imus, Cavite, bago sila pumunta sa US for their two-week show sa Nov. 20.