Dahil sa 16 years old si “Babe,†may kaso raw na child abuse at pagiging pedophile si Ka Freddie Aguilar. May gano’n talaga? Eh kung kayo si Ka Freddie, madyonda na at gusto pang magkaroon ng asawa para may kabulungan sa gabi, ano ang hahanapin mong kaulayaw sa kama, hindi ba ’yung bagets din?
Pero shocking nga ang nangyayari kay Ka Freddie ngayon kasi after 10 years na walang asawa (pero may ka-fling-ngan), nang makatagpo ng isang bagets na unang kita pa lamang daw ay nagpakislot na sa kanyang puso, heto at pakikialaman na siya ng gobyerno. Eh hindi naman by force ang ginawa niya sa kanyang babe, sumama naman at nagpakilala pa si Ka Freddie sa magulang ng menor de edad at pinayagan naman.
Si Ka Freddie, matanda man sa edad ay medyo bata pa naman sa anyo at kilos. Artist pa. Teka, eh bakit hindi tugisin ang mga nag-a-upload ng mga sex video sa Internet na kung minsan ay mga bata rin ang sangkot?!
Bong nakakahinayang ang pagtanggi sa Sugo
Sayang na ang mag-asawang Sen. Bong Revilla, Jr. and Rep. Lani Mercado ay ayaw nang gawin ang pelikulang ipo-produce ng mga Kapatid sa sekta ng Iglesia ni Cristo, ang Sugo. Tiyak pa namang ang ganda ng story at sure rin na maganda at waging-wagi para maging best story o best movie at posibleng pati si Sen. Bong ay maÂging best actor pa. First time nating malalaman ang buod ng kasaysayan ng relihiyon ng mga Kapatid.
Raymart nahiyang sa mga kaso
Sa presscon ng GMA 7 ng bagong serye na kapalit ng Mga Basang Sisiw, ang Villa Quintana, napansin ng showbiz press si Raymart Santiago, guwapung-guwapo, ang kinis ng kutis, at batang-bata ang aura. Hindi raw siya nagpa-rehab ’no?! Mas marami siyang trabaho ngayon at early riser daw siya, puyat man o hindi. Eh kapag ganyan na may problema si Raymart dahil sa demanda ng ex-wife na si Claudine Barretto, mas hiyang siya.
Eh ‘di hayaan na siyang magkakaso para ’di mawala ang pagkapogi at, take note, maaliwalas ang kanyang mukha. Joke lang, Raymart!
Pero katuwiran talaga niya, ’di niya puwedeng pigilan ang ginagawa ng dating misis kaya haharapin na lang niya at ideÂdepensa niya ang sarili. Matatapos din ang problema, kapag tapos na ang kaso.