Mas gustong maging probinsiyana Charice ayaw na sa Amerika!
Isang taon na ang relasyon ni Charice at ng girlfriend niyang si Alyssa Quijano and of all places, nag-celebrate sila sa Bohol just a week bago ito nilindol.
Kaya naman ganoon na lang ang lungkot ni Charice nang malaman niyang niyanig ito ng malakas na lindol at napakaraming gumuho kabilang na ang Baclayon Church na napuntahan pa nila.
Ito ang dahilan kung bakit naisip ni Charice na magkaroon ng benefit show para sa Bohol na gaganaÂpin sa Nov. 5 sa Newport Performing Arts Theater sa Resorts World sa Pasay City na pinamagatang One Voice.
Sa three days daw kasi na ipiÂnamalagi niya sa Bohol, naging espesyal sa kanya ang naturang lugar at napalapit sa kanyang puso ang mga tao roon.
“Pinaka-touch talaga ako, sa mga tao, kasi, sorry to say, pero alam naman natin na may mga tao, like sa Manila, na medyo tagilid ang mga ugali.
“Pero doon, sobrang totoo sila, alam n’yo po ’yun? Sobrang friendly and marespeto. Grabe po talaga. First night ko pa lang nagustuhan ko na talaga sila. Na-touch ako the way they treated us. Hindi ko sila kakilala pero sobrang parang close ko na agad sila,†kuwento ni Charice nang makatsikahan namin sa presscon ng One Voice.
Kung tutuusin ay nakakagulat na sa Bohol gustong lumipat ni Charice at hindi sa US kung saan siya talaga mas unang sumikat, ang nagbigay ng break sa kanya, and most of all, kung saan siya may international career.
“Noong hindi pa ako nakakapunta ng Bohol, at first akala ko, gusto ko rin sa US mag-settle. Dati, amazed na amazed ako sa US. Pero ngayon na mas nagkakaroon ako ng chance to travel dito sa Philippines, the more na nare-realize ko na it’s still best to stay here. Importante rin kasi sa isang lugar ’yung mga kapitbahay, ’yung mga tao na makakasama mo sa lugar na ’yun at ’yung mga tao sa paligid ko kasi sila po ang nagde-define ng mood ko.
“Doon ko po talaga na-feel ang acceptance. In Bohol, as in talagang kahit na hindi nila ako kinakausap, makikita mo sa mata nila na tuwang-tuwa sila na kinakausap nila ako. Ganyan,†sabi ng gay singer.
Ngayong malapit na ang Pasko, natanong si Charice kung mayroon siyang naiisip na plan para tuluyan na silang magkaayos ng pamilya (nanay at kapatid) niya at say niya, she’s excited about the idea pero alam niyang hindi pa oras.
“Kasi siyempre I know my mom. Pero siyempre, hindi naman mawawala ’yung role ko as a daughter na to let them know I’m still here, ganyan. Pero siguro, kaya rin medyo kalma na rin kasi pareho naming alam na nandiyan lang kami sa isa’t isa. Kumbaga, alam din kasi namin sa sarili namin na hindi pa kami ready. Na the more we push it… sabi ko nga kanina, I don’t wanna hear another rejection. Ang sakit kasi. Kumbaga, once is enough na I heard it from her na ‘no, not now,’†say ni Charice.
Pero ayon sa international singer, no matter what happens, nandito siya forever at hindi nakakalimot.
“And siguro, ’yun lang ang message na gusto kong i-send sa kanya na, you know, I never forget,†sabi pa ni Charice.
When asked if he has plans of settling down, getting married and having children, napangiti si Charice.
“Ah, siyempre po, hindi naman ngayon. At hindi rin next year. Pero at the same time, ayoko namang magsalita ng tapos. Napag-uusapan din namin ’yan (ni Alyssa). Sabi niya, ‘Kelan kaya tayo magpapakasal?’ Mga ganyan. And kung saan magse-settle, kung saan magpapatayo ng bahay, kung saan tatanda.†What about adopting children?
“Adopting or kung ano’ng way puwede. Like ’yung ano ba ’yun, in vitro? (IVF or in vitro fertilization). Siyempre, siya po (ang sasailalim sa procedure). Pero kung kinakailangan, gagawin ko rin. Willing naman ako. Pero kasi, ang sabi niya sa akin, gusto niya, siya,†pahayag ni Charice.
- Latest