Young actor hindi makapagreklamo sa nilipatang network, wala nang mapupuntahang iba
Kahit may reklamo pa rin ang isang young actor sa kanyang nilipatang network, nananahimik na lang siya. Mukhang kaso na naman siya ng nasa kawali na, tumalon pa sa apoy!
Kapag nag-ingay pa uli siya this time, wala na siyang malilipatang TV station na maaari pang tumanggap uli sa kanya.
Iho, hintayin mo na lang si Willie Revillame, baka matuloy ang pagbubukas niya ng sariling TV channel.
Mga ‘programa’ ni Wilma Galvante hinihintay mag-rate
Umusbong ang maraming tanong mula sa industry insiders sa bagong trabaho na nilikha ng TV5 para kay Wilma Galvante, “chief entertainment content officer.â€
Ngayon lang kasi natin narinig ang ganitong posisyon na for the first time in the history of local TV industry, kay Galvante ipinagkatiwala ng Kapatid Network. Tiyak naman na may kaibahan ito sa creative head na ang obligasyon ay pagandahin ang laman ng mga entertainment show.
Sana siguradong hindi magkakaroon ng duplication or overlapping of functions ang creative head at chief content officer.
Kapag idinikit pa sa posisyon, ibig sabihin siya ang pinakamataas at maaaring sakop din niya ang creative head.
Mahirap din ang kanyang kalagayan dahil aasahan siyang lumikha ng mga top-rating show, sa gitna ng strong opposition from ABS-CBN and GMA 7.
Paano naman kung hindi siya magtagumpay kahit unlimited ang financial resources ng Singko?
Richard pahulaan kung saan lilipat
Lalo tuloy nag-isip ang mga taong close kina Annabelle Rama and the Gutierrez clan with Wilma GalvanÂte seemingly on top of the entertainment bureau of the network sa future ni Raymond Gutierrez.
Ang kanyang kakambal na si Richard, tiyak na hindi sa Kapatid Network lilipat with the former arch enemy of Annabelle in control. Inaasahan na natin na magiging Kapamilya si Richard Gutierrez in due time.
Ariella delikado sa mga Latinang judge
Kahit inaasahang magiging isa sa mga thank-you-girl si Ariella Arida sa 2013 Miss Universe contest, dahil sa katarayan, si Shamcey Supsup na naging 3rd runner-up sa pageant, ay naniniwala pa rin na malakas ang laban ng Pinay bet.
Kung maraming Latin American judges, ngayon pa lang dapat maghanda na pabalik ng bansa si Arida. Kahit maganda, kung may negative attitude, ay mahirap manalo sa contest na importante ang panloob na kagandahan.
Julie Anne nagpasiklab, biglang nag-No. 2 sa music charts
Nanggulat sa music charts si Julie Anne San Jose nang mag-No. 2 ang kanyang self-titled album sa maraming mga Christmas album dominating this week’s Top 10. Ang debut album ng GMA artist ay nasa second place in both the overall and OPM ratings.
Nasa charts pa rin ang Richard Yap debut CD pero ang DJP second album ni Daniel Padilla ay naglaho na sa listahan. Baka kapag bumuwelta uli ang fans ni Daniel, balik ang DJP sa top of the charts next week.
Janine at Elmo kulang pa sa karanasan, pinagdududahan kung makakahatak
Sapat na kaya ang karanasan nina Janine Gutierrez at Elmo Magalona upang maging lead stars sa isang teleserye?
Sa ngayon, ang tanging pruweba ni Janine ay anak siya nina Lotlot de Leon at Ramon Christopher Gutierrez. Kung sakaling marami na siyang tagahanga, makikita pa lang sa kanyang launching TV drama na Villa Quintana.
Hindi naman sapat na naging hit show ito in the past.
- Latest