Walang bagong news tungkol kay Megan Young dahil busy siya sa activities niya bilang Miss World 2013.
May constant communication si Megan sa kanyang paÂmilya, kesehodang nasa malayong lugar siya. Nag-uusap at nagkikita sila ng kanyang ina at kapatid via Skype. Sure ako na nakakaramdam ng homesickness si Megan.
Mabuti na lang at marami nang paraan para makausap niya ang kanyang pamilya at mga kaibigan na naiwan sa Pilipinas. May Skype, Viber, Twitter, Facebook, Instagram, at kung anik-anik pa.
LJ mas gumanda kung kailan nakahiwalay si Paulo
Kung ako ang tatanungin, gusto ko na magkabalikan sina LJ Reyes at Paulo Avelino dahil sa kanilang anak na si Aki. Nakikita ko rin kasi na mahal pa rin ni Paulo si LJ at kung manliligaw siya uli, baka magkaroon ng part two ang kanilang relasyon.
Malaking bagay na nagkukuwento na si Paulo tungkol sa anak nila. Puwedeng ‘yon ang first step niya para muling ma-win ang atensiyon at affection ng ex-girlfriend.
Parehong mabuting tao sina LJ at Paulo. I should know dahil nasubaybayan ko ang pagsisimula ng kanilang mga showbiz career nang mag-join sila sa StarStruck.
Hindi ko rin nalilimutan ang message noon ng tatay ni Paulo para sa kanyang anak at kay LJ. Natatandaan ko ang sinabi ni Mr. Avelino na sana magpakasal sina LJ at Paulo para sa umpisa pa lang ay nasa tama ang kanilang relasyon at may basbas ng Panginoon.
Napakaganda ng mensahe ng ama ni Paulo at baka nagsasama pa rin sina LJ at Paulo kung sinunod nila ang payo ng kanilang magulang.
Naalaala ko ang relasyon ng dalawa habang pinapanood ko kahapon ang Prinsesa ng Buhay Ko ng GMA 7.
Ang mga eksena ni LJ ang ipinakita. Napansin ko na malaki ang iginanda niya. Walang mag-iisip na problematic ang aktres dahil hiwalay na sila ni Paulo. Mukhang siya pa nga ang unang naka-move on dahil very positive ang kanyang aura.
Ara Arida napansin dahil sa mga batikos
Narinig ko ang interview kahapon kay Ariella “Ara†Arida sa presscon ng bagong website ni Dyan Castillejo. Tuwang-tuwa ang Pinay beauty queen dahil na-appreciate ng ating mga kababayan ang performance niya sa isang fashion show sa Moscow, Russia at ang balita na hot favorite siya sa Miss Universe 2013.
At least, nagbunga ang mga pagsisikap ni Ara na umani ng katakut-takot na batikos bago siya lumipad sa Russia.
Nakatulong ang mga batikos at panglalait kay Ara para lalo nitong pagbutihin ang performance sa most prestigious beauty contest sa buong mundo.
Sana nga ay mapanalunan ni Ara ang Miss Universe crown o, kung hindi man, magkaroon siya ng puwesto dahil deserving naman talaga ang kanyang beauty with a purpose.
Maegan kumakanta pa rin kahit manganganak na
Buntis pala si Maegan Aguilar, ang anak ni Freddie Aguilar na panay ang pagtatanggol sa ama na nakikipagrelasyon sa isang menor de edad.
May nagkuwento sa akin na malapit nang manganak si Maegan pero kumakanta pa rin ito sa bar na pag-aari ng kanyang ama.
May paliwanag na ang pagkakaroon ni Maegan ng double chin nang mapanood ko siya sa isang showbiz talk show. Buntis pala siya kaya nadagdagan ang kanyang baba.
Mahusay kumanta si Maegan. Namana niya ang singing talent ng kanyang ama na literal na ipinaglalaban ang relasyon sa “daisy†na babae.