Ariella epektibo sa pagiging kontrobersiyal, napansin agad bilang hottest body sa Miss U

Nakikipag-bonding na ang ating Miss Philippines sa ongoing na Miss Universe pageant na si Ariella Arida sa tatlong half-Pinay candidates din.

Ang mga “Pinay” na lalaban sa Miss Universe ay sina Miss Canada Riza Santos, Miss Guam Alexis Scott, and Miss Gabon Ruth Jennifer Ondo Mouchita.

Kilala na si Riza noong mag-artista siya rito sa Pilipinas. Naging housemate nga siya sa Pinoy Big Brother at gumawa ng ilang pelikula. Na-link pa nga siya noon kay Mark Bautista.

Ipinanganak at lumaki si Riza sa Calgary in Alberta, Canada.

Si Ruth naman ay may inang Pinay at laki siya sa Gabon na mata­tagpuan sa Western Africa.

Si Miss Guam naman ay isang dermatologist sa kanilang bansa.

Naglikha ng ingay si Ariella nang may sabihin siya tungkol sa mga Latina contestant ng Miss Universe. Nasabayan pa ito ng pagbatikos sa kanya ni Mo Twister.

Pero mukhang nagwo-work kay Ariella ang maging kontrobersiyal dahil napili nga siya ng International Business Times (Australian Edition) as “the hottest body amongst the Miss Universe 2013 pageant contestants.”

Hindi malayo na isa sa mapipili si Ariella para sa Best Bikini Body special award sa Miss Universe contest na gaganapin sa Crocus City Hall sa Moscow, Russia sa Nov. 9.

Sunshine nagpapayat para makakilos ng mabilis at hindi agad mapagod

Malaki na ang pinayat ni Sunshine Dizon nang mag-attend ito ng press conference ng bagong afternoon drama series na Villa Quintana. Say ni Sunshine, naging desidido siyang magpapayat nang ibigay sa kanya ang role na Lumeng Samonte sa naturang teleserye.

More than 20 pounds na raw ang nawala kay Sunshine since nagsimula siyang magpapayat habang ginagawa niya ang Mundo Mo’y Akin.

“Kailangan nating magpapayat kasi ang role ko rito sa Villa Quintana ay mahirap. Hindi naman yata kapani-paniwala na mahirap ako kung mataba pa rin ako, ’di ba?” tawa pa niya.

“Saka it’s for my health na rin. Para mas mabilis tayong kumilos at hindi kaagad napapagod.”

Naabutan ni Sunshine ang drama series na Villa Quintana noong ipalabas ito noong 1996. Teen star pa lang siya noong mga panahong iyon at pinapanood daw iyon ng mga kasama niya sa bahay.

“Nakakatuwa kasi after seventeen years, isa pala ako sa gaganap sa remake nito. ’Yung role ko as Lumeng was played by Tita Chanda Romero. I am so pleased to be doing her role. I remember na ang galing, galing nilang lahat sa show na ito at saka sikat na sikat noon sina Donna Cruz at Keempee de Leon.

“Ngayon, nandito kami to support ang mga bagong bida ng Villa Quintana na sina Elmo Magalona and Janine Gutierrez,” sabi ng aktres.

Gaganap na asawa ni Sunshine sa Villa Quin­tana si Raymart Santiago at anak nila si Elmo. Si Paolo Contis naman ang gaganap na ama ni Janine.

Irish actor na si Jamie Dornan napili na sa Fifty Shades…

Napili na ang gaganap bilang Christian Grey sa film version ng Fifty Shades of Grey pagkatapos na mag-back out si Charlie Hunnam dahil hindi siya maka-commit sa project.

Napili na ang Northern Irish actor na si Jamie Dornan. Isang former Calvin Klein model at nakalabas na sa pelikulang Marie Antoinette in 2006 at gumanap na bilang Huntsman sa ABC TV series na Once Upon a Time.

Ang novel na Fifty Shades of Grey ay tungkol sa “passionate relationship between literature student Anastasia (played by Dakota Johnson) and the wealthy and mysterious entrepreneur, Christian Grey.”

Na-publish noong 2011 ang nobela ni E.L. James na una sa kanyang trilogy at agad na naging cultural phenomenon.

  

Show comments