Hunk actor buking ang pakikipagsabwatan sa road manager para makaraket

Nabuking ng isang talent manager ang pagtanggap ng raket ng kanyang talent na isang hunk actor sa tulong ng dating road manager nito na nag-resign sa kanyang opisina.

Rason ng dating road manager na kaya ito nag-resign dahil nai-in love na raw ito sa hunk actor. Bago pa raw ito mabaliw sa pagmamahal niya sa hunk actor ay nag-resign na ito para magtrabaho sa ibang bansa.

Pero nalaman ni talent manager na kunwari lang ang pagre-resign ng kanyang road manager dahil nabuking niyang ito ang gumagawa ng paraan para makaraket ang hunk actor na hindi niya nalalaman.

Kamakailan lang ay may isang producer na nag-text kay talent manager at tinanong kung totoong wala na raw si hunk actor sa management niya? Kasi ito raw ang sinagot sa kanya ni hunk actor nang makausap niya ito para sa isang show sa labas ng bansa.

Sinabi ng talent manager na hindi totoo dahil may kontrata pa ito sa kanya for the next two years. Inalam niya kung ano ang pinag-usapan nila para bulagain niya ito sa ginagawang pagraket na hindi nagsasabi.

Doon nga niya nalaman na involve rito ang dati niyang road manager na kiyemeng maga-abroad daw.

Pinadalhan ng text ni talent manager ang kanyang sutil na alaga at sinabi niyang alam na nito ang kanyang secret raket. Tigilan daw niya ito dahil nakakailang beses na raw niya itong ginagawa at pinapatawad siya. Huli na raw sana ang huling nabuking niya or else demanda na ang dara­ting na raket sa kanya at sa atribidang former road manager niya.

Sumagot lang daw ang hunk actor ng “Opo. Hindi na po ako uulit.”

Ariella nag-sorry sa panglalait sa mga latina

Nag-apologize na ang ating Philippine representative to the 2013 Miss Universe na si Ariella Arida dahil sa naging “offensive” statement niya tungkol sa mga Latinas na sumasali sa beauty pageants.

Sa kanyang interview sa ABS-CBN News Channel’s Headstart nagsimula ang kanyang komento dahil sa pagtanong ng host na si Karen Davila tungkol sa kanyang communication skills in English.

Ang naging sagot ng 24-year old Miss Philippines ay:  â€œLatinas cannot even speak a sentence, right? I mean, a complete sentence in English... You know, I think, it’s the Filipinos who are very critical about this.”

Dito nagsimula ang pag-criticize ng radio program host na si Mo Twister sa ating Miss Philippines. Pinost niya sa kanyang Instagram account ang interview ni Ariella at nag-comment siya rito.

“I don’t intend to bash on our Ms. Philippines here but how the fuck is this not considered offensive toward Latinas?” ayon kay Mo.

“I mean, we ALWAYS get so sensitive when someone says anything about us Filipinos (see Dan Brown, Alec Baldwin, and every other time we screamed murder) yet our girl representing our country, in a legit interview regarding the competition, says Latinas can’t put a sentence together in English.

“That would royally piss me off if I were of Latin descent. I’m pretty sure we would lose our minds if we heard an interview of a contestant saying “Filipinos can’t string a sentence together” and our Senator/Congressman would persona non grata that bitch immediately.”

“I’m also quite certain that a few of the Latina contestants can cook up a few intelligible lines in English that would leave Ariella here dizzy in her heels.

“Best of luck to her in the competition. Now back to my NBA Fantasy Team.”

Dito nag-ugat ang sagutan ni Mo at ang nababalitang manliligaw ni Ariella na si Ervic Vijandre sa Twitter.

Sa Twitter account ni Ariella, nag-apologize na ito sa kanyang mga nasabi sa interview.

“OM sorry. I didn’t mean to offend anyone from my last interview. I hope you guys can understand what I’m trying to say.”

Nang makausap namin ang manager at mentor ni Ariella na si Jonas Gaffud sa launch ng Aces & Queens sa Opus Bar at Resorts World Manila last October 24, pinagsabihan na raw niya ito na maging maingat sa lalabas sa kanyang bibig lalo na’t malapit na ang Miss Universe Pageant na gaganapin sa Russia.

“Sinabihan ko siya na maging careful siya. Lalo na sa mga interviews. Kita n’yo naman, naging big issue tuloy ito laban sa kanya.”

Asawa ni clint ayaw manira

Nag-file na ng divorce ang estranged wife ng Hollywood actor-director na si Clint Eastwood.

Nag-request si Dina Eastwood na ang kanyang petition for legal separation from the Oscar-winning actor-director be dismissed at mag-file na siya ng divorce.

Kasal sila Clint at Dina for 17 years.

Nag-file na ng court documents si Dina to legally dissolve their marriage at the Monterey County Superior Court in Carmel, California.

Sa documents ni Dina, naka-cite doon na “irreconcilable differences” ang reason ng kanilang paghihiwalay. She is also seeking physical custody of their daughter, Morgan (16 years old).

The former news reporter also requested for spousal support at ang kanyang attorney’s fees ay bayaran ng kanyang 83-year old estranged husband.

Balitang may iba nang dine-date si Clint at ito ay ang dating kaibigan ni Dina na nagngangalang Erica Tomlinson-Fisher.

Pero sa kanyang Twitter account, nasabi ni Dina na friends pa rin sila ni Clint.

“I don’t like reading negative things about Clint. He is a wonderful, good natured, brilliant person. No matter what, I attest to that.”

Show comments