Marami namang mga hindi professional singer na nagkakaroon ng hit record at pati mga live concert.
Ang teen idol na si Enrique Gil, merong forthcoming live concert sa Smart Araneta Coliseum on Nov. 29, billed as King of the Gil. Kung hindi pa ninÂyo alam, merong naging hit song na King of the Hill.
Tiyak namang may mga manonood ng show dahil maraming fans ang young actor at mga sikat ang suportang guest performers sa King of the Gil. Tiyak din na magiging heavy ang promo nito sa ABS-CBN.
Mabuti na lang at hindi isinabay sa repeat show ng Perfect 10 ni Sarah Geronimo on Nov. 30 sa SM Mall of Asia Arena.
Singer ng Pusong Bato nakakasawa na ang pag-angkin sa kanta
Ilang libong ulit na naming narinig kay Aimee Torres na siya ang may original recording ng Pusong Bato, 10 years ago. That time hindi ito napansin dahil ordinaryo lang naman ang boses niya at hindi maganda ang pagkagawa ng plaka.
Dapat magpasalamat siya na nagkaroon ng revival ang kanta. Nakuha niyang makisakay sa pagiging hit ng updated version ng Pusong Bato.
Sa tuwing magiging guest siya sa mga TV at radio show, paulit-ulit na lang ang claim niya. Sana meron naman siyang bagong balita o bagong kanta na kaya niyang pasikatin after Pusong Bato. Nakakasawa na ang lagi mo na lang sinasabi na ang original, na naging freak hit ngayon, ay sa ’yo. Sa hanay ng mga contemporary artist, meron kayang maging proud na angkinin ang ganitong plaka na kulang sa kalidad?
Nakilala ito dahil masang-masa ang tunog at hindi dahil sa original version mo!
Mga celebrity sa Cavite pinaghahandaan ang pagbabalik ng patron
Pinaghahandaang mabuti ng mga Caviteño ang fiesÂta ng Nuestra Señora de Soledad de Porta Vaga next month. Ang image ng Mahal na Birhen na dumaÂting sa Cavite ay minsan nang naglaho. Naibalik naman ito pero kinuha na ang mahahalagang hiyas tulad ng mga brilyante at rhinestones.
Matagal bago na-restore sa dating anyo ang Mahal na Birhen ng Soledad. Tiyak kasali si Direktor Joel Lamangan sa mga tumutulong sa preparasyon.
Marami pang mga sumikat na artista na galing Cavite, tulad ng original Dyesebel na si Edna Luna. Ang unang Little Miss PhiÂlippines sa Eat Bulaga na si Glaiza Heradura ay mula sa Cavite City.
Christmas album ni Jose Mari pinarangalan
Mga bagong labas na Christmas album ang nag-dominate ng hit charts this week.
Take note na ang Going Home to Christmas ni Jose Mari Chan on his own label, Signature Music, Inc., ay binigyan ng special citation ng PMPC Star Awards for Music dahil sa mataas na kalidad nang pagkakagawa nito at pagbibigay buhay sa mga positibong tradisyon at kaugalian tuwing Pasko.
Isa sa mga kanta sa album, Pinoy na Krismas, performed by The Company and written by Joe Mari and Ogie Alcasid, ay nagwagi bilang novelty song of the year, ka-tie ang Arimunding-munding ni Alexis.
Isa sa mga most requested song this season ang title track na Going Home to Christmas.