Malalaking artista hindi naningil para sa event ng mga teacher!

Pinasaya ni Gary Dujali, PLDT executive, ang presscon ng 2013 Grand Gathering that will culminate this year’s Teacher’s Month celebration sa pamamagitan ng PLDT-Smart Foundation’s Gabay Guro (2G) na gaganapin sa Saturday, Oct. 26, sa SM Mall of Asia Arena. Ini-announce ni Gary na this year ay dalawa ang masuwerteng mananalo ng grand prizes, a house and lot mula sa Stateland, Inc. at isang brand new Foton LCV van. 

Nakita namin na maganda ang van na naka-display sa labas ng venue ng presscon. Pero hindi lamang iyon ang mati-take home ng iba pang mana­nalo, may tatanggap din ng livelihood program packages at cash gifts from different sponsors.

Ang whole day event will be hosted by Ka­patid stars Edu Manzano and Derek Ramsay (na ever since ay host ng show). May guest appearances din sina Judy Ann Santos, Ryzza Mae Dizon, Anne Curtis, Jodi Sta. Maria, Rocco Nacino, Pops Fernandez, Martin Nievera, at Marian Ri­vera. At ayon pa kay Gary, marami sa mga guest ang hindi humingi ng talent fee. 

May theme song ang Gabay Guro na kinanta ni Regine Velasquez. Ang isa pang dagdag sa show ay ang pagdalo ng hunks tulad nina Vin Abrenica, Daniel Matsunaga, John James Uy, Victor Silayan na maaaring madagdagan pa bago ang show. Lambing daw ito ng mga guro (na mas maraming babae), na tiyak na aabangan kung ano ang gagawin ng hunks sa show. Para sa kasiyahan ng mga guro, walang hindi ibibigay ang 2G.

Ang 2G ay brainchild ng PLDT-Smart Foundation chairman of the board of trustees na si Manny V. Pangilinan at chairman at vice president for finance na si Ms. Chaye Cabal-Revilla. Limang taon na nilang ginagawa ang 2G to honor our teachers na siyang humuhubog ng kaisipan at kakayahan ng bawat taong tinuturuan nila.

Tessie Tomas inoobserbahan ang ibubuga nina Julie Anne at Kristoffer

Inoobserbahan pala ni Ms. Tessie Tomas ang dalawang young stars na kasama niya sa primetime musical-drama series na Kahit Nasaan Ka Man. Pareho raw very sensitive mag-perform sina Kris­toffer Martin at Julie Ann San Jose at may che­mistry sila sa screen. Apo niya si Kristoffer sa story kaya raw masaya siya kapag niyayakap-yakap siya nito kahit off-camera. 

In turn, tinuturuan niya ang young actor mag-change ng mood from sad to happy dahil mahusay talagang magdrama, madaling umiyak, pero mahirap nga naman kung kailangang magpatawa sa susunod na eksena. 

Si Julie Anne naman, laging nakangiti sa set pero ang hinihintay niya, kung break time nila at magkakasama sila sa tent, wish niyang kumanta ito pero biro niya baka raw sawa nang laging kumakanta kaya naririnig na lamang niya itong kumanta sa eksena.

 

Show comments