Matagal na naming naririnig ang mga tsismis na tumatabang na raw ang relasyon nina Luis ManÂÂzano at Jennylyn Mercado, pero noon pareho silang nag-deny. Nakikita pa rin naman silang magkasama sa mga lakaran. In fact magkasama pa sila sa isang awards night mahigit isang linggo lang ang nakararaan. Pero ngayon sinasabing split na nga silang talaga, at naganap daw iyon matapos silang magkagalit noong nakaraang Lunes lamang.
Kagaya naman ng dapat asahan, gentleman talaga si Luis eh. Hindi siya nagsalita ng kahit na ano. Inamin lang niya na may nangyaring split, pero kung ano man ang dahilan ng split na iyon at kung papaano nangyari, sinasaÂbi nga niyang gusto niÂyang maging pribado na lamang. Eh mahusay naman ang naÂging pagpapalaki diyan ng kanÂyang inang si Governor Vilma Santos.
Pero noon pa man, marami na talaga ang nagÂsasabing hindi naman tatagal ang relasyon nila, kaya nga natatawa kami sa mga nagsasabin “nagpakasal ng lihim†ang dalawa noon. Paniwala naÂmin hindi mangyayari iyon. Mukhang magulo pa naman kasi ang isip ni Jennylyn hanggang ngayon. Nananatili siyang at odds kay Patrick Garcia na ama ng kanyang anak. Parang hindi pa siya maka-get over sa nangyaring iyon sa kanyang buhay, iyong nabuntis siya tapos tumanggi si Patrick na pakasalan siya, kahit na nagpunta na sila sa Makati City Hall noon.
Nakita naman natin na pagkatapos noon, nagkabimbangan pa sila ng kasunod niyang boyfriend na si Dennis Trillo, at maliwanag na pinalayas siya sa condo ng aktor kung saan pala sila nagsama nang sandali. Siya na rin ang nagkuwento niyan sa isang magazine interview.
Hindi kami magtataka kung sa pagkakataong ito, may lumabas din siyang statement tungkol kay Luis. Kung pag-aaralan mo sa ganoon naman natapos ang lahat ng love affairs ni Jennylyn eh. Liban na lang kung maka-get over na siya sa mga naging hang ups niya, palagay namin walang magiging maayos na affair iyan.
Bagong channel ng Sky Cable nagbukas na
Iyong pag-aabang natin sa internet sa magiÂging resulta ng America’s Got Talent at X Factor, maÂtatapos na dahil mapapanood na ang dalawang sikat na show ng live. Habang inilalabas iyon sa US, mapapanood na rin sa Pilipinas sa pagsisimula ng bagong Sky Cable channel, iyong RTL-CBS. Iyang RTL ang pinaka-malaking television program company sa Europe, at siyang may-ari ng Fremantle Media, na alam naman nating may napakalalaking shows. Iyong CBS naman ang pinaka-malaking teleÂvision network sa US. Para sa Asia, nagsama ang dalawang malaking television giants.
Dito sa atin ipapalabas ang kanilang mga shows sa RTL-CBS Channel sa Sky Cable, kasama na ang hinihintay na ring obra ni Steven Spielberg na Under the Dome.
Matindi ang mga palabas sa channel na iyan. SiÂguÂÂrado puÂyatan na naman iyan sa cable.
Annabelle nakaligtas sa malaking responsibilidad
Kung iisipin, blessing na rin na hindi nanalong congresswoman si Annabelle Rama sa Cebu, kung hindi masakit ang ulo niya ngayon dahil sa nangyaÂring lindol sa kanilang bayan. Knowing Annabelle, concerned pa rin iyan at tutulong pa iyan sa Cebu kahit na natalo siya, kaya nga lang hindi talaga sumakit nang husto ang kanyang ulo. Suwerte na rin niya. Sabi nga eh ipinag-aadya pa rin siya ng Diyos sa malalaking problema.