Kapag pinanood ni Matteo Guidicelli ang anniversary concert ni Sarah Geronimo sa November 15, ‘yon ang magiging patunay na may katotohanan ang mga tsismis na sila na nga.
Bente-singko anyos na si Sarah kaya panahon na para maranasan niya na magkaroon siya ng dyowa ‘no!
Natawa lang si Sarah at ang kanyang dakilang madir na si Divine nang magbiro ako na nililindol na ang Visayas kaya dapat nang maranasan niya na makipagrelasyon.
Good catch naman si Matteo na guwapo, edukado, mabait, at mula sa pamilya na sobrang disente. Perfect 10 siya para kay Sarah.
Maja may nega news!
Narinig ko kahapon sa presscon ng Perfect 10 ang dahilan ng paghihiwalay nina Matteo at Maja Salvador.
Hindi ko na ikukuwento sa dear readers ng PM ang na-discover ko dahil maligaya na si Maja sa piling ni GeÂrald Anderson.
Enough na muna ang mga negative news.
Mga napapanood sa pinsala ng lindol nakaka-depress
Nakaka-depress ang mga napapanood ko sa TV tungkol sa pinsala na nilikha ng malakas na lindol sa Visayas.
Nakakaiyak ang mga eksena na ipinakikita sa mga news program. Nakakaawa ang ating mga kababayan na nasalanta ng kalamidad.
Nagpapasalamat ako sa Diyos dahil nagkaroon ako ng pagkakataon na makapagsimba sa old churches na winasak ng lindol. Mga lumang simbahan na cultural heritage na puwedeng itayo uli pero hindi na original at hindi na maaaring tawagin na century old-churches.
Mike at Korina nagtsikahan sa coverage, kumpetisyon nakalimutan
Sa gitna ng pagdadalamhati ng mga kababayan natin sa Visayas, naging masaya sila kahit sandali nang makita nila ang pagtatagpo nina Mama Korina Sanchez at Papa Mike Enriquez.
Nagpunta sa Cebu sina Mama Korina at Papa Mike para sa mga news program nila na magÂkaribal, ang TV Patrol at 24 Oras. Parehong live ang mga report ng dalawa at natuwa ang mga Cebuano sa kanilang pagsasama. Mabilis na kumalat sa social media ang litrato nila na magkasama.
Sa mga panahon ng kalamidad, hindi uso sa mga newsÂcaster ang rivalry. Mas mahalaga sa kanila ang maÂkaÂpaglingkod sa bayan at makapaghatid ng mga kaganapan sa mga lugar na pinuntahan nila.
Kung sinuman ang nag-upload sa social media ng litrato nina Papa Mike at Mama Korina, maraming salamat.
Aljur concert artist na
Magkakaroon ng concert si Aljur Abrenica sa November 7 at sa Music Museum ang venue nito. May karapatan si Aljur na mag-concert dahil maganda ang kanyang boses. Minana niya ang talent ng kanyang ama na member ng banda at bumibiyahe noon sa Japan.
Asahan natin na aapir si Jojo Abrenica sa concert ng kanyang anak bilang suporta. Puwede rin na mahilingan siya na mag-perform dahil sanay na sanay siya na kumakanta sa harap ng maraming tao.
Malay natin, maging special guest din ni Aljur ang kanyang kapaÂtid na si Vin at ang girlfriend na si Kylie na palaban na ngaÂyon dahil hindi na affected ng mga paninira ng fans nina Aljur at Kris Bernal.