Hindi naman itinanggi ng Miss World 2013 na si Megan Young na talagang nag-uusap sila ng kanyang “best friend†na si Mikael Daez. Ang nasabi lang niya, mga ilang linggo na rin silang hindi nagkakausap kasi nga masyado naman siyang busy at nasa London, England siya. Pero ngayong naririto siya sa Pilipinas, imposible naman sigurong hindi sila magkausap.
Pabiro namang tinatawag siya ng kanyang mga kaibigan na “Mr. World.†MukÂhang may alam din naman sila tungkol sa pribadong relasyon.
Sinabi rin naman ni Megan na hindi naman kasama sa usapan sa Miss World iyong kailangan ay wala silang boyfriend. Ang alam lang namin, kahit na in the past, ang ayaw lang nila ay iyong may anak na. Kaya noong araw ay inalisan ng title ang isang beauty queen nang matuklasang may anak na pala siya. Inalisan din ng title ang isa pa nang biglang mag-asawa at magbuntis during her reign sa iba namang contest.
Kung sa panahong ito ay ayaw mang aminin nina Megan at Mikael sa publiko ang kanilang relasyon, karapatan naman nila iyon. Ang suspetsa namin, may kinalaman iyon sa kanilang career. Magkaiba na sila ng network. Ibig sabihin hindi sila maaaring makapagtambal at pareho naman silang nasa telebisyon lamang. Sino pa nga ba naman ang kakagat kung bigyan ng ibang ka-love team si Mikael kung alam ng mga taong girlfriend na niya si Megan? Sino pa rin ang kakagat kung may maka-partner mang iba si Megan kung alam na nilang girlfriend siya ni Mikael?
Magiging sagabal nga naman iyon sa kanilang career, bukod pa sa susundan na iyon ng susundan ng mga tao at uuriratin na ang lahat ng nangyayari sa kanilang relasyon. Alam naman ninyo sa atin kung paano ang mga tsismis.
‘Mabuti’ ni Nora hindi pa sure kung maipapalabas sa mga sinehan, ibang-iba sa extra
Wala pang balita hanggang ngayon kung magkakaroon nga ng commercial theatrical exhibition ang pelikulang Ang Kuwento ni Mabuti ni Nora Aunor. Nang tanungin namin ang isang theater booker, ang isinagot pa sa amin ay “buti nga naisama pa iyon sa exhibit ng TV5 na single screening lang.â€
Hindi kagaya ng pelikula ni Gov. Vilma Santos na Ekstra, hindi pa man nagsisimula ang 9th CineÂmalaya Independent Film Festival ay sinasabi nang magkakaroon ng commercial run sa mga sinehan. At hindi pa man nailalabas sa Toronto International Film Festival para sa international premiere ay nabalita na rin ang foreign bookings. Kumita nga sila ng $141,000 sa kanilang commercial run sa US.
Iba pa iyong sa Canada na tumagal din ng isang linggo at tahimik pa sila sa kinita sa AustraÂlia na maraming Pilipino at pinilahan din sa mga sinehan. Sold out din ang one week run sa Dubai.
Magkaiba na talaga ang takbo ng career ng dalawang aktres. Si Nora ay nananalo ng award pero bulok naman sa box office. Si Vilma hindi naghahabol sa awards pero kumikita ng malaki ang pelikula. Sino ngayon ang mas panalo sa kanilang dalawa, ang Box-Office Star For All Seasons o ang dating Superstar?
TV star nilayasan na ng iniilusyong model na dumating sa Pilipinas
Naku, nag-iilusyon na naman pala ang TV star na mahilig sa mga guwapo at matatangkad sa isang male model na dumayo sa bansa last week. Pero sorry, nakabalik na siya sa abroad. Kaya pinagalitan daw ng TV star ang kanyang “friend-bookerâ€.
Bakit nakaalis ang guwaping na male model nang hindi nag-courtesy call man lamang sa kanya?