Ayon kay Sunshine Cruz, nagising na lang siya isang araw na wala na siyang pagmamahal para sa estranged husband na si Cesar Montano.
“I just woke up one day not feeling anything. Alam mo, puwede palang mangyari sa isang tao ’yun na parang sobrang ikamamatay mo na mawawala siya sa ’yo, na selos ka nang selos sa napakaraming babae and ayaw mong mawala sa ’yo ’tong lalaking ito, nandun ’yung fear mo na baka one day hindi mo kakayanin.
“Ganun ako no’n eh. Pero one day I woke up realizing na wala na,†saad ni Shine.
At kung anuman ang nararamdaman niya ngaÂyon, very thankful siya na dumating sa kanya ang ganitong pakiramdam.
“Kasi kung hindi, kawawa naman ako, baka nasa mental hospital na ako,†say niyang natatawa.
Sa ngayon, nakakatuwang tingnan si Shine na unti-unti nang nakakabangon sa career man o sa personal life. In fact, katatanggap lang niya ng endorsement na Ever Bilena at gusto na niyang mag-ipon para makabili siya ng sariling bahay para sa kanila ng kanyang mga anak.
Robi walang galit sa naglimas ng kanyang mga gamit sa kotse
Nakakatuwa naman si Robi Domingo dahil very positive ang panaÂnaw niya sa naganap na pagnanakaw sa loob ng kanyang sasakyan habang naka-park sa Tomas Morato, Quezon City last Tuesday night.
Nakuha sa loob ng sasakyan ni Robi ang lahat ng kanyang gadget at binasag pa ang kanyang salamin.
Sa grand presscon ng I Dare You Season 2 last Thursday, sabi ni Robi ay naipagawa na niya ang salaming nabasag at bagama’t nanghihinayang siya siyempre sa mga nakuha sa kanya, mabuti pa rin ang wish niya sa nagnakaw.
“More than ibalik ’yung nawala at mahuli ang magnanakaw, eh sana matutunan kong mag-let go, na sana ’yung mga gamit na nakuha niya, kung sinuman ang magnanakaw na ’yun, eh magamit niya sa tama. ’Yun na lang.
“I have good hopes for the one who have stolen everything, ’yung mga gadget ko lahat, pati kontrata ko, schedule ko, nandun. Sana ’yung value no’n magawa niya para sa tama kasi malapit na rin ang Pasko,†sabi ni Robi.
Isa siya sa mga host ng season 2 ng I Dare You na magsisimula na today, Saturday, Oct. 12 pagkatapos ng Maalaala Mo Kaya. Kasama ni Robi sina John Prats, Melai Cantiveros, at Deniese Aguilar.
AiAi first time sa Wansapanataym
Maagang takutan at kuwentong pambuong pamilya ang ihahatid ng award-winning fantasy-drama anthology ng ABS-CBN na Wansapanataym ngayong Sabado (Oktubre 12) sa pagsisimula ng month-long HalloÂween special nito na Moomoo Knows Best tampok ang Comedy Queen na si AiAi delas Alas at Kapamilya child wonder na si Izzy Canillo.
“First time kong magbida sa Wansapanataym kaya excited ako,†sabi ni AiAi na gaganap sa istorya bilang ang nagpapanggap na espiritistang si Joanna.
“Swak na swak sa Halloween ang kuwento ni Joanna. Matututo at mag-e-enjoy ang TV viewers sa adventures niya, lalo na kapag nagkatotoo ’yung mga kasinungalingan niya at nagsimula na siyang makakita ng mga multo tulad ni Kwatzy (Izzy).
Para naman kay Izzy, isang blessing ang muling mapasama sa Wansapanataym special.
Dagdag pa ng Comedy Concert Queen, “Pagkatapos ng My Little Juan, may mga panibagong aral na naman po kaming maituturo sa mga manonood.â€