^

Pang Movies

Derek naghahamon na maglabas ng ebidensiya sa kanila ni Ynna

- Vinia Vivar - Pang-masa

Itinanggi ni Derek Ramsay na si Ynna Asistio ang third party nila sa hiwalayan nila ni Cristine Reyes at say nga niya, nahihiya siya sa young actress at sa pamilya nito dahil nadadamay pa ito sa breakup na hindi naman dapat.

May nakakita kasi sa kanilang dalawa na magkasama sa Robinsons Magnolia mall kamakailan at ang tsika pa nga ay magka-holding hands sila.

Nang makatsikahan namin si Derek sa presscon ng For Love or Money na bagong weekly series niya sa TV5, nilinaw niya ang bagay na ito and cleared Ynna’s name.

“Sad that Ynna had to be interviewed and I respect her more for even bothering her time to be interviewed and asked about this third party issue. That’s not fair for her. She just came from a five-year relationship,” paalala pa ni Derek.

Ang tinutukoy ni Derek ay ang nagwakas na relasyon ng aktres kay Mark Herras.

Ayon sa aktor, matagal na niyang kaibigan ang pamilya ni Ynna at maging ang ina nitong si Nadia Montenegro ay friend niya.

Hindi itinanggi ng Kapatid hunk na talagang nagpunta sila ni Ynna sa Robinsons Magnolia kasama pa ang younger sister nitong si Ynna. Bumili sila ng dog food para sa kanyang pet but he stressed hindi sila magka-holding hands.

“Walang ganun,” he said.

Hinamon niya rin ang mga nagsasabing mag­ka-holding hands sila na patunayan ito.

“Show me a picture. Get the CCTV cameras,” saad pa ng aktor.

Baron nakaligtas sa sunog

Sa grand presscon kahapon ng I Dare You Season 2 hos­ted by John Prats, Deniese Aguilar, Robi Domingo, and Melai Cantiveros ay dumalo rin ang mga celebrity guest (Celebrity Kakampi) sa iba’t ibang episodes na natapos na nila — sina Baron Geisler, Dennis Padilla, Japoy Lizar­do, at ex-Pinoy Big Brother housemates na sina Joj and Jai.

Si Dennis ay sa episode na Footkaleros. Nag-football daw sila sa kalye, sa Tondo, Manila.

“Sumama akong mag-coach at mag-motivate sa mga kabataan na medyo mahihirap talaga sa Tondo at wala silang kakayanan na mag-provide sa sarili nilang rubber shoes, uniporme, kaya ipinakita namin na hindi sagabal ang pagiging mahirap kung gusto mong maging magaling na atleta,” pagde-describe ni Dennis sa ginawa niya sa episode.

Si Japoy naman ay sa episode na Dance Port at nag-ballroom dancing daw sila. Iba-iba ang ina­ral niyang sayaw dito at marami siyang natutunan aside of course sa pagsasayaw.

Sina Joj and Jai ay sa episode na Kalye Kids at namuhay daw sila bilang batang kalye talaga as in nangalkal sila ng basura. Kasama raw nila si John Manalo at nag-enjoy naman sila doing the episode.

“Akala namin hindi namin magagawa pero nakaya namin,” sabi ng kambal.

Si Baron naman ay sa episode na Alab at namuhay naman siya bilang bumbero sa loob ng isang buwan.

“Ang dami naming ginawa, ang dami ring naging pagsubok, talagang pumasok kami sa tunay na sunog. Natulog din kami sa barracks nila. Ayun, buti na lang buhay pa rin ako. Naka-survive at hindi nasunog,” komento ni Baron.

Magsisimula na ngayong Sabado, Oct. 12 ang I Dare You after Maalaala Mo Kaya.

                                               

                                       

BARON GEISLER

CELEBRITY KAKAMPI

CRISTINE REYES

DANCE PORT

DEREK

ROBINSONS MAGNOLIA

SILA

YNNA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with