Richard patok na patok na ring singer

MANILA, Philippines - Matagumpay ang launching ng Star Records kamakailan para sa kanilang bagong singer na si Richard Yap, ang Ser Chief ng Be Careful With my Heart. Hindi yata nila akalaing bebenta ng malaki ang mga kantang pinakawalan ng aktor para sa kanyang mga tagahanga sa kauna-unahan nitong self-titled album.

Dream pala talaga ng Fil-Chinese actor from Cebu City na maging singer, bago pa nga siya natuklasan sa showbiz.                Flight stewardess ang loving wife niyang si Melody at may dalawa silang anak, sina Ahsley at Dylan. Pero kahit pamilyado at 46 years old na ang Kapamilya actor, malakas pa rin ang appeal niya sa chicks, lalo na sa mga yaya at kasambahay.

Lovi nagmana kay FPJ ng ugali

Nakakuwentuhan namin sa isang showbiz function si Sto. Domingo, Quezon City Barangay Chairman Ri­chard Yap at nabanggit niya na ma­buting bata pala at mabait si Lovi Poe. Mapagkumbaba raw, katulad ng kanyang amang si late Fernando Poe, Jr. Hindi nakakapagtaka kung bakit sunud-sunod na trabaho ang dumarating sa kanya sa TV at pelikula ngayon.

Si Richard ang loving husband ng dating aktres na si Amanda Amores, na minsan ding kinabaliwan sa showbiz dahil sa kagandahan at kaseksihan.

             

Show comments