^

Pang Movies

ER bumuwelta!

- Vinia Vivar - Pang-masa

Sa ipinatawag na presscon and mass rally ni Laguna Gov. ER Ejercito aka George Estregan, Jr. last Wednesday na ginanap sa municipal office ng Sta. Cruz, Laguna, nakita namin kung gaano karami ang kanyang supporters na tumutol sa disqualification na isinagawa ng Commission on Elections (Comelec) laban sa kanilang gobernador.

Katulad ng mga nauna nang report, nagkaroon ng ruling ang Comelec na dini-disqualify nila si Gov. ER dahil umano sa overspending sa panahon ng kampanya.

Last Wednesday, pagkatapos ng misa, ay isa-isa itong sinagot ni Gov. ER.

“Hindi ko pa po natatanggap ang nasabing desisyon ngunit ito ay kalat na kalat na po. Sa katunayan, una ko pang nalaman ang sinabing desisyon mula sa mga kaibigan natin sa media.”

Ayon sa aktor/pulitiko, wala raw katotohanan ang ibinibintang sa kanyang overspending sa kampanya: “Hindi naman po ako mangmang sa batas. Kahit paano ako po ay may sapat na edukasyon at karanasan upang malaman ang mga limitasyon ng batas.”

Graduate siya ng UP-Diliman at may masteral degree sa University of Asia and the Pacific, a three-termer mayor of Pangsanjan, Laguna, awarded not once but twice as one of the Ten Outstanding Mayor of the Philippines, one of the 15 Champion Mayors of the Philippines, at kasalukuyang nakaupo sa pangalawang termino bilang gobernador ng lalawigan, kaya, ayon kay ER, at this point ay alam na alam na niya ang limitasyon ng batas sa eleksiyon.

Inirereklamo rin niya ang kawalan ng due process ng Comelec at hindi man lang siya nabigyan ng pagkakataon na magpaliwanag.

“Ngayon kung sa tingin ng Law Department ay may probable cause laban sa akin, ang kaso ay isasampa nila sa Regional Trial Court at doon ay ihaharap ang ebidensiya laban sa akin at ako naman ay maglalabas ng aking ebidensiya bilang depensa at kung mapapapatunayan ng korte na walang kaduda-duda na ako ay nagkasala ng overspending, at ako ay ma-convict by final judgment of an election offense, saka pa lamang ako maaaring i-disqualify o alisin sa puwesto,” paliwanag pa ni Gov. ER.

May hinala rin siya na tila iniisa-isa raw silang mga Estrada na patalsikin sa pwesto tulad na nga lamang ng pinsan niyang si Sen. Jinggoy Estrada na kinasuhan ng plunder.

Sa ngayon ay inaapela ni Gov. ER ang kaso at bilang panghuling mensahe, mariin niyang ipinagsigawan: “Ako pa rin ang gobernador ng lalawigan ng Laguna!”

AKO

CHAMPION MAYORS OF THE PHILIPPINES

COMELEC

GEORGE ESTREGAN

JINGGOY ESTRADA

LAGUNA GOV

LAST WEDNESDAY

LAW DEPARTMENT

REGIONAL TRIAL COURT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with