Nora Aunor pararangalan sa Aliw

Inihayag na ni 26th Aliw Awards President Junne Quintana ang mga finalist para sa taong ito na idaraos ngayong Oktubre 8 sa Manila Hotel Fiesta Pavilion, Manila City.

Isa sa mga pararangalan ay si Nora Aunor para sa Lifetime Achievement Award. Ayon sa director ng show, si Guy ang original Concert Queen. Pararangalan din sa kategoryang ito sina Tito Sotto, Vic Sotto, at Joey de Leon o TVJ, Joe Gruta, Nestor Torre, Angie Ferro, UP Repertory, and Leyte Dance Theater.

Inihayag din nito na tatanggap ng Aliw trophy ang stage director na si Bobby Garcia, John Lapus, Louie Ocampo, at stage director Freddie Santos.

Ang beneficiaries ng annual Aliw Awards sa taong ito ay ang Kapwa Ko Mahal Ko na mga batang may kanser.

Sa kabilang banda, tiyak na matutuwa ang mga Noranian dahil dadalo sa awards night si Nora para tanggapin ng personal ang award. Umoo na ito sa presidente na si Junne at tiniyak na magiging bahagi siya ng pagdiriwang.

Nurse nakahanap ng career sa pagkanta

Napakinggan naming umawit ang magandang anak ni Raquel Monteza na si Maffy na nominado rin para sa best female performer (Bars and Lounges category) ng Aliw Awards. Ayon dito, isang malaking karangalan na mapasama siya sa mga nominado bagama’t kinakabahan dahil magaling na singers ang kalaban.

Nagtapos si Maffy ng nursing noong 2009 at isa nang licensed nurse. Pero sa ngayon, nakatuon muna ang pansin niya sa pagiging singer.

Si Maffy ang umawit ng theme song ng Nagbabagang Bulaklak ng TV5. Wala siyang professional training as a singer pero magaling ang boses. Pangatlo ito sa apat na magkakapatid na sina Ryan (artista), Simon (singer), si Maffy, at bunsong si Judge. Nag-audition na ang dalaga sa California noon para sa Hollywood musical na Miss Saigon.

Regular siyang umaawit sa Hotel Intercon tuwing Martes, sa Makati Shang-rila ng Miyerkules, at Makati Tower Club kapag Huwebes.

Pangarap din ni Maffy na maging artista gaya ng inang si Raquel.

Show comments