Kahit natalo alaga ni Sarah pang-champion ang boses

Sa The Buzz last Sunday ay itinanggi ni Sarah Geronimo ang mga espekulasyon na kaya mas pinili niya si Klarisse de Guzman para maging Top 4 sa The Voice of the Philippines kaysa kay Morisette Amon ay dahil nate-threaten siya sa huli.

Depensa ni Sarah, pareho niyang mahal sina Klarisse at Morisette.

“Nung gabing ‘yun (when she made the decision kung sino ang mapapasama sa top 4), ipinagdasal ko lang talaga kasi pareho ko talaga silang gusto. Either sa kanila ay talagang makakapag-represent ng Team Sarah. So, sabi ko, ibe-base ko na lang sa performance nila that night,” say ni Pop Princess.

Dagdag pa ni Sarah, “Kung sino ang tatama sa puso ko, sa puso ng mga tao sa Resorts World, ‘yun ang bibigyan ko ng mas mataas na score. Hindi ko gagawin na sobrang layo ng score, parang 50-50 lang. So, ginawa kong 55 si Klarisse and 45 si Morisette.”

Last Sunday night ay natapos na ang The Voice of the Philippines kung saan ang kauna-unahan tinanghal na champion ay si Mitoy Yonting from Team Leah (Salonga) at tinalo niya si Klarisse.

Klarisse made it to the Top 2 at siyempre sa boto siya tinalo ni Mitoy. But then, hindi man naiuwi ng dalaga ang titulo, sigurado naman kaming magkakaroon siya ng magandang future as a singer dahil talaga namang pang-champion din ang kanyang boses.

Enrique excited nang maka-love triangle ang pinsang si Dingdong

 Sa Muling Buksan ang Puso ay talagang pinatunayan ni Enrique Gil na isa siyang aktor dahil sa mahusay niyang pagkaka-portray ng role bilang si Francis na may heart condition at umibig sa karakter ni Julia Montes.

Marami ang pumuri sa kanya sa serye at dito talaga niya nakamit ang leading man status.

Kaya naman aminado ang young actor na may panghihinayang din siya na 13 weeks lang talaga ang airing nito at sa katunayan ay magtatapos na ito this week.

“Kasi pati sa Twitter ang dami ngang nagsasabi, pati sa mga writer, minsan mga taga-ABS-CBN din ang nagsasabi sa akin, na ‘Oy, bakit matatapos na?’ Parang ang daming nagsasabi na i-extend pa. Ang daming nagrereklamo, ‘yung nagwawala, bakit daw matatapos na?

“Pero actually, from the start, ‘yung story namin was hanggang dito lang talaga. I mean, not like ‘yung ibang shows na nae-extend pa, ‘yung ending naiiba pa. Pero ito talaga, from the start, sinabi na naka-fix ’yung story, ‘yung ending and everything. So, ganun talaga,” paliwanag ni Enrique.

Nag-e-enjoy nga siya bilang si Francis at maging sa labas ay sinasabihan siya ng ibang tao na magpahinga na siya dahil may sakit siya sa puso.

“Kapag kumakain ako ng sisig, minsan, sasabihin ng mga tao, ‘O, bawal sa ’yo ’yan,” mga ganun,” kuwento pa ni Enrique.

Pero kahit 13 weeks lang sa ere ang Mu­ling Buksan…, proud na proud ang buong cast and Dreamscape team dahil matagumpay itong magtatapos sa ere at hindi nag-suffer ang kuwento nito hanggang sa ending.

After the drama series ay magiging abala naman si Enrique sa movie niya with Dingdong Dantes and Bea Alonzo under Star Cinema, ang She’s the One and, yes, ang kanyang solo concert sa Smart Araneta Coliseum na Top of the Gil ngayong Nob­yembre.

Sobrang excited ni Enrique na makasama sina Bea and Dingdong at sa sobrang excitement, itinawag nga raw niya agad ito sa kanyang mommy.

“Actually, ’yung mom ko pa nga ang mas excited sa akin eh. Sabi ko, ‘Guess what? Makakasama ko sina Dingdong at Bea!’ Wow, excited ako na kinakabahan!” saad ng young actor.

Si Dingdong naman ay pangalawang pinsan niya raw at sobrang happy sila pareho na magkatrabaho na sila since magkaiba nga sila ng network.

Sa ngayon ay walang pahinga si Enrique dahil sa kanyang hectic schedule na pinagsasabay-sabay niya ang tele­serye, shooting ng She’s the One at rehearsal para sa kanyang first concert. He just hopes na ’pag natapos na ito ay makakapag-break din siya kahit ilang weeks lang.      

 

Show comments