Gustong magpakumbida ng aking mga amiga sa beking TV host kapag nagyaya uli ng drinking spree for his dabarkadas na mga menchu. Habang lumalalim kasi ang gabi, naghuhubad-hubad na ang mga machong bisita!
Nakita ito ng isang mimosang neighbor noong sumugod sa bahay ng baklesh na TV personality na magrereklamo dahil past midnight na ay maingay pa rin sila at tuloy ang sigawan at kantahan. Kakatok sana sa pinto ang kapitbahay pero sumilip muna siya.
Tumambad sa kanyang nanlaking sinful eyes ang mga nude men, na casual lang ang pagdi-display ng mga deadly weapon!
Baka naman naglalaro ng strip poker ang dabarkadas, to the delight of the TV host, na ang mga talo sa bawat game ay nag-aalis ng mga saplot sa katawan!
Supporters ni Gov. ER may sariling People Power
Panawagan para sa mga taga-Laguna na gustong dumalo sa isang Holy Mass at People Power meeting para kay Gov. ER Ejercito. Ang pagtitipon ay gagawin sa Cultural Center ng probinsiya in Sta. Cruz, Laguna, ala-una ng hapon, sa Miyerkules, Oct. 2.
Kung gusto ninyong makiisa at manalangin para kay Gov. ER welcome lahat kayo. Makakatulong kayo upang manatili sa kanyang puwesto ang minamahal ninyong gobernador, na maraming nagawang kabutihan upang umunlad ang inyong lalawigan.
Anne dokumentado ang experience sa mamahaling kotse
Si Anne Curtis ang bagong brand ambassador ng luxury European car na Audi. Bagay na bagay sa progresibong lifestyle ng leading showbiz personaÂlity ang mga Audi vehicle, lalo na ang Q3, na kung minsan ay siya mismo ang nagda-drive.
Ang kanyang mga experience sa Q3 SUV ay mababasa sa Instagram account ni Anne. In the future, gusto pa niyang magkaroon ng R8 Supercar pero kailangang mag-ipon muna siya sapagkat expensive brand ang Audi, at mga rich ang nakaka-afford.
Megan gusto pa ring agawan ng korona ng mga inggitera
Patuloy ang pagbubunyi ng mga PiÂnoy sa first Miss World title which MeÂgan Young won in Indonesia last Saturday habang ang isang maliit na grupo ay ayaw humupa ang paninira sa kanya.
Kahit ano pa ang gawin ninyo, hindi na maaagaw ang korona sa ulo ni Megan. Magdusa kayo at mabaliw sa inggit!
John Arcilla nakikipag-Skype sa mga alagang aso
Pakibigyan ninyo kami ng contact numbers ng Capable Foundation, Inc., advocates of animal welfare, na tinatag ng multi-award actor na si John Arcilla. Gusto kasi naming mag-adopt ng mga inaalagaan nilang stray dogs.
Kilala si John bilang dog lover at meron siyang at least 10 dogs sa kanyang bahay. Kahit nasa States ang aktor ngayon, tuloy ang communication niya with his pets through Skype.
Si Lolit Solis, isang buong apartment ang mga alagang aso. Pero ayaw niyang mamigay kahit nag-aanakan ang kanyang mga pet.
Chabacano films bibida sa Spanish Film Festival sa Greenbelt
Kasali ang mga Chabacano film na gawang Pinoy sa 12th Spanish Film Festival sa Greenbelt 3 Cinemas from Oct. 3 to 13. Ang pagpapalabas ng mga gawang Zamboanga, Mindanao ay sa Oct. 9 and 10.
Ang Chabacano dialect na maraming mga Spanish word ay ginaÂgamit din sa Cavite City at sa ibang parte ng nasabing lalawigan tulad ng Ternate.
Si Director Joel Lamangan ay marunong mag-Chabacano dahil taga-Cavity City siya at maraming amiga na nagsasalita ng nasabing dialect.
Kris sa salamin ang acting workshop, Aljur Dapat turuan
Simula pagkabata hanggang ngayon, umaarte pa sa harap ng salamin si Kris Bernal. Malaki ang maitutulong nito sa kanya upang mapaghusay ang pangganap kapag nakaharap na sa camera.
Kung minsan kasi wala siyang time na mag-attend ng mga acting workshop. Kahit nag-iisa sa loob ng kanyang kuwarto o dressing room, may mga sariling acting exercise si Kris.
Dapat siguro ituro niyang lahat kay Aljur Abrenica, ngayong magkakatambal silang muli sa isang project.