MANILA, Philippines - Napagdesisyunan ng Commission on Elections (CoÂmelec) First Division na idiskwalipika bilang gobernador ng Laguna si ER Ejercito dahil sa kasong “overspending†noong May 2013 elections.
Ayon sa ulat ng GMA News ngayong araw, Sept. 26, inanunsiyo ni CoÂmelec Chairman Sixto Brillantes na P6 million ang nagasta ni Gov. ER sa kanyang TV advertisements.
Hindi pa kasama rito ang ibang ginastos ng 49-year-old actor-politician sa pangangampanya bilang gobernador.
Base sa alituntunin ng Comelec, hanggang P4.5 million lamang ang maaaring gastusin ng isang local candidate para sa election campaign.
Handa raw ang Comelec na panagutin at sampahan ng kaso ang iba pang kandidato na nagkaroon ng violation noong nakaraang eleksiyon.
Giit ni Chairman Brillantes, “Hindi kami nagbibiro.â€
Nakasaad sa resolusyon ng Comelec na ang isang kandidatong nangangampanya ay hanggang tatlong piso lang ang puwedeng gastusin para sa bawat botante.
Ang Laguna, kung saan muling nahalal na gobernador si ER, ay may nakatalang 1,525,522 na botante.
May limang araw si Gov. ER para magsumite ng motion for reconsideration kaugnay ng kanyang disqualification