MANILA, Philippines - Humanga si Direk Wenn Deramas kay Joey Paras nang mapanood niya ang komedyante sa stage version ng Bona na pinagbidahan ni Eugene Domingo. Alalay ni Uge ang role ni Joey sa palabas pero tumatak siya sa utak ng box-office director kaya ninais niyang makilala siya.
Binigyan ng break sa teleserye ng Dos si Joey at nang maramdaman niyang hinog na sa launching movie, sa kanya niya ibinigay ang matagal nang tinaÂtagong kuwento, ang Bekikang Nanay Kong Beki upang i-launch bilang solo star.
Sa totoo lang, walang pakialam ang box-office director kung bago lang si Joey at wala pang pruweba sa takilya kumpara sa ni-launch niya noon na si Vice Ganda. Rason niya, naniniwala siya sa kakayahan ni Joey bilang artista.
“Ang binabangkuhan lang namin ngayon kay Joey ay isang magandang kuwento. Isang napaka-talented na bida,†dahilan ni Direk Wenn.
“Saan galing ang nilalang nito? Ang husay!†kuwento ng direktor nang mapanood si Joey sa Bona.
Isinama ng director si Joey sa series niyang Kapag Puso’y Sinugatan kung saan mula sa guest role ay naging regular siya sa programa.
“Napaka-positive ng dating!†katwiran pa ni Direk Wenn.
Isinama rin ang komedyante sa Sisterakas at Bromance at mula sa pelikulang ‘yon, feeling ni Direk Wenn, hinog na sa launching movie si Joey.
Nasiyahan ba naman siya sa performance ni Joey?
“Sabi nga ni Nikki Valdez, ngayon niya naintindihan niya kung bakit ko pinagÂlaban si Joey Paras. Kasi, walang ibang puwedeng gumawa ng role kundi si Joey,†tugon niya.
So matapos niyang iluklok si Vice sa stardom, ano naman ang difference ni Joey sa una?
“Si Vice kasi, alam natin ang pinagmulan. GaÂling siya sa comedy bar. Alam natin na performer siyang talaga.
“Si Joey, stage. Theater actor. Sige, theater actress. Doon pa lang, malaki na ang difference. Kung gagawa ka ng pelikula, iaakma mo kung kaya ng tao.
“Si Joey, bentahe niya ang husay niya sa drama. Nu’ng una ngang napanood ni Boss Vic ang rushes ng Bekikang, sabi niya sa akin nu’ng magkita kami sa Shangrila Hotel, ‘Ang galing. Ang galing ng Joey Paras! Tama, tama!’ So nagdire-diretso na kami!†kuwento ng director sa presscon.
“Naiiyak ako! Ha! Ha! Ha!’ reaksiÂyon naman ni Joey.
“Ayokong maniwala nang sabihin sa akin ni Direk na magbibida ako. Pumasok siya sa tent namin ng Kahit Puso’y MaÂsugatan. Agad-agad, huh!
“Kasi wala pa kaming two years na magka-work or friend ni Direk. Isang taon pa lang. Months pa lang kami magkakilala nang sinabing ilu-launch niya ako. Hindi ko siya in-emote noon pero ini-embrace ko ‘yung blessing. At nangyari nga! So happy, happy ako!†paliwanag naman ni Joey.
Upang tumindi ang appeal sa tao, si Tom Rodriguez ang lumabas na lalaki ni Joey sa movie. Bilang dagdag na rekado, may special roles sina Maricel Soriano, Janice de Belen, Eugene Domingo, Iza Calzado, at Dingdong Dantes.