‘Di puwede ang tatamad-tamad pag produ - Marian

Isa sa prodyuser ng Kung Fu Divas si Ma­rian Rivera. Ayon sa aktres marunung-runong na rin siya pagda­ting sa pagpoprodyus ng pelikula.

‘‘Di puwedeng tatamad-tamad ka. ‘Di rin puwedeng antukin. Kailangang tapusin ang trabaho,’’ sabi ni Marian.

Natutuwa ang aktres dahil maraming bago sa kanya. First time nilang magsama ni AiAi delas Alas sa pelikula, first time niyang gumawa ng comedy-action movie, first time niyang maging director si Direk Onat at first time niyang gumawa ng pelikula sa Star Cinema.

Palabas na ang Kung Fu Divas sa October 2 at tatampukan din nina Roderick Paulate, Edward Mendez, Bianca Manalo, Precious Lara Quigaman, Nova Villa, at Gloria Diaz.

Carla feel ang pagiging kontrabida

Inamin ni Carla Abellana na feeling kontrabida siya bilang si Lally sa My Husband’s Lover. Maraming pumupuri sa kanyang pag-arte kung saan nagsilbing hamon sa aktres ang karakter na ginagampanan.

Hanga siya sa galing ni Dennis Trillo na gumanap na Eric at kabit ng kanyang asawang si Vincent o Tom Rodriguez. Isang malaking rebelasyon si Tom at alam ang tamang pag-atake sa role bilang gay na naipit sa dalawang katauhan.

Magkahawig silang dalawa  ni Marian Rivera at minsan ay napagkakamalan siyang si Marian.

Thea marunong magtimpi

Ayon kay Thea Tolentino na gumaganap na Pyra sa Babaeng Apoy ay malayo ang karakter na ginagampanan niya sa teleserye. Kung sa serye ay bumubuga siya ng apoy dahil sa galit, sa tunay na buhay ay mapagtimpi siya at ‘di agad sumisilakbo ang galit.

 

Show comments