MANILA, Philippines - Isa ang Kapamilya Young Superstar na si Judy Ann Santos sa mga artistang nag-iinit sa isyu ng P10-billion pork barrel scam. Hindi lang bilang isang artista kundi bilang isang ordinaryong mamamayan na nagbabayad ng tamang buwis.
“Hindi sa hindi ko siya naiisip. Naiisip ko siya! Hindi mo siya puwedeng hindi maisip kasi parte ka sa bansang ito na nagbabayad ng tax.
“At ako, kakatapos lang ng kaso. So, it makes me think, ‘What happened dun sa ibinayad ko? Kaninong bahay kaya siya napunta?’†pahayag ni Judy Ann sa isang interview kaugnay nang ini-endorse niyang Champion.
Matatandaan na noong January ay na-acquit si Judy Ann ng Court of Tax Appeals (CTA) laban sa tax evasion complaint sa kanya ng Bureau of Internal Revenue (BIR).
Nagmula ang kasong ito noong diumano’y hindi niya tamang pagdeklara ng kanyang mga kinita sa showbiz noong 2002 mula sa TV and movie projects and product endorsements.
Sa loob nang mahigit na walong taon ay ipinaglaban niya iyon kaya ganito na lamang ang galit at saloobin niya sa mga rebelasyon na lumalabas lalo na’t involved ang mga senador ng ating bansa.
Pahayag ng aktres, “Hindi siya nakakairita, nakakabuwisit siya!
“’Di ba, parang lahat naman tayo, bilang workers, hindi lang artista eh, lahat tayo nagbabayad ng taxes natin, and we try to pay kung ano ’yung dapat nating bayaran.
“And ’yung kagaya ko na nagka-kaso, sinabi ko naman na wala naman akong responsibility na tatalikuran lalo pa’t gobyerno ito.
“Pero bilang mamamayang Pilipino, kung ang gobyerno ay may karapatang maningil ng taxes natin, tayo, bilang tao, may karapatan din tayong malaman na sa’n ba napunta.
“Wala bang explanation? Hindi ba dapat meron din kaming rundown ng mga nangyayari sa pera namin?â€
Diin pa ni Judy Ann, gaya raw ng ibang mamamayan, pinaghirapan nila ang lahat ng tax na kanyang ibinabayad.
“Dugo, pawis, at luha para sa aming mga artista ang kapalit ng trabahong ito at saka oras. We try to be responsible Filipino citizens.
“So, as politicians, please be responsible naman with your job dahil hindi madaling magtrabaho lalo pa’t may pamilya kang binubuhay. May pamilya kang... may mga bata kang gustong pagtapusin ng pag-aaral,†emote ni Judy Ann.
Gaya niya na nagkaroon ng kaso sa BIR, hinarap daw niya iyo ng buong tapang.
“But the case naman is not with the BIR. It’s with the government. BIR’s just doing their job — collecting taxes. They all just give it to the government. ’Yung government na ’yun ang magbibigay ng pera sa mga pork barrel.
“Parang ang point lang is, kung kami, pinu-push lang nang pinu-push magbayad, kakasuhan n’yo pa kami kapag may konting digits na hindi nabayaran, bakit hindi n’yo kasuhan ’yung mga pulitiko na malaking, malaking digits ang kinuha sa pera namin?†pahayag ni Judy Ann.