Ang Kaleidoscope nga kaya ang pupuno sa eight official entries sa coming 39th Metro Manila Film Festival (MMFF) sa Dec. 25? Ang movie na tampok si Sef Cadayona, who won the best supporÂÂtÂing actor in last year’s MMFF New Wave Division entry na Gayak, ang bida rito. Isa sa 15 scripts na na-approve ng Screening Committee ang Kaleidoscope pero hindi nakasama sa piniling eight official entries.
Wala pang official statement ang executive committee o execom ng MMFF kung sila nga ang papalit sa huling nag-backout na Be Careful With My Heart ng Star Cinema pero sabi’y ang said movie ay nakatapos nang mag-shooting.
Ipinaaalaala ng MMFF execom na hanggang Oct. 4 na lamang ang deadline para sa submission ng entries to the New Wave Film Festival. Entries ito ng cinephone, student short film at animation. Lahat ng mananalo ay tatanggap ng cash prize. Ang animation category na ngayon lamang isinali ay kailangang may maximum running time of 12 minutes at hindi pa shown commercially here or abroad. Ang winner ay tatanggap ng P100,000 for the best picture at P50,000 for the Special Jury Prize. Sa full feature category, tatanggap pa rin ng P300,000 ang Best Picture at P200,000 for the Special Jury Prize, P50,000 for Best Actor, Actress, Director.
Kinita ng Sineng Pambansa lagpas lang ng P6M
Nakalulungkot naman ang box-office returns ng sampung entries sa katatapos na Sineng Pambansa: All Masters Edition. Kahit ang Lihis ni Joel Lamangan ang top grosser, kumita lamang ito ng P2.3 million. Ang total gross ng sampung pelikula ay umabot lamang ng more than P6 million. Ipinalabas ito sa may 225 SM CineÂmas nationwide for one week.
Benjamin idinenay si Janine, hindi pabor sa long-distance relationship
No problem pala sa aktor na si Benjamin Alves kahit anong role ang ibigay sa kanya, payag nga raw siya kahit guest role lamang sa isang soap. Even gay roles? Payag daw siya basta ang character ay fulfilÂling hanggang sa huli. Pero sa latest movie niya, ang Sana Dati na ipinalabas noong July sa Cinemalaya Independent Film Festival, at tumanggap ng maraming awards, including ang best film at best director, siya ang pinuri ang acting laban kay Paulo Avelino.
Ginampanan ni Benjamin ang role ng daÂting boyfriend ni Lovi Poe.
Natupad naman ang wish ni Direk Jerrold Tarog na maipalabas ito commercially, at ngayong Wednesday, sa pamamagitan ni Atty. Joji Alonso ng Quantum Films, idi-distribute ito ng GMA Films in theaters nationwide.
Nagsimula nang mag-taping si Benjamin ng first historical docu-drama ng GMA News & Public Affairs na Katipunan with Sid Lucero and Glaiza de Castro, na ipalalabas na for eight Sundays sa GMA News TV.
Pagdating sa love life, hindi raw totoo na sila na ni 2012 Miss Universe 1st runner-up na si Janine Togonon na nasa States ngayon. Hindi siya in favor sa long-distance relationship kaya friends na lamang sila.