^

Pang Movies

Acting ni Nora pare-pareho na kaya tinalo ng bagets

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Hanggang ngayon, sari-sari pang reaksiyon ang nari­ri­nig namin tungkol sa pananalo ng 13 taong gulang na si Teri Malvar bilang best actress sa isa pang indie film festival, ang CineFilipino, dahil sa kanyang performance sa pelikulang Ang Huling Cha-Cha ni Anita. Ang maganda nga lang, people who matter, ibig naming sabihin ay iyong mga talagang nakakaintindi  ang mga naniniwalang dapat talagang manalo si Malvar.

Sinabi nilang talagang mahusay ang pagkaka-arte ng trese anyos na female lead star sa kanyang role sa pelikula at para roon sa mga nakakaintindi at nakapanood ng mga peli­kulang indie na kasali sa filmfest na iyon, talagang ta­ma lang naman na talunin niya ang dating Superstar na si Nora Aunor.

Ang comment ng ibang mga kritiko, iyon daw naman kasing acting ni Nora, bagama’t masasabi mo ngang mahusay, ay mukhang pare-pareho naman sa lahat ng mga pelikulang nagawa na niya simula noon pa. Formula acting kasi iyon.

Hindi kami makapag-comment ng husto dahil hindi namin napanood ang mga pelikula nilang lahat. Ang totoo kasi wala naman kaming interest sa mga pelikulang indie, dahil hindi pa rin kami kumbinsido na ang mga tinipid na amateur movie na iyan ang magbabangon sa industriya ng pelikula sa bansa. In fact, lalo ngang nalugmok ang in­dustriya nang wala na silang ginagawa kundi ang mga mumurahing indie film lalo na iyong wala namang ibang temang ipi­nakikita kundi puro kabaklaan lang.

Kaya nga idinadaan sa film festival ang mga independent movie kasi kung hindi ga­no’n ni hindi sila makapapasok sa mga di­senteng sinehan dahil bihira na­man ang nanonood ng mga pelikulang ’yan na alam ng publiko na tinipid sa pagkakagawa.

Sa totoo lang, iyon lang namang indie film na ginawa ni Gov. Vilma Santos-Recto na Ekstra: The Bit Player ang kumita at nagtagal sa mga sinehan eh. Ang ibang indie entries, pagkatapos ng kanilang filmfest, ay wala na.

Baron sinubukang ayusin si Yayo kahit Ikukulong na

Ngayon inaamin na ni Yayo Aguila ang isang bagay na hindi natin nalaman dati. Pagkatapos palang mahatulan ng korte si Baron Geisler dahil sa pambabastos na ginawa niya sa anak ni Yayo na si Patrizhia Martinez, gusto raw ng aktor na makipag-areglo.

Hindi rin naman daw nila gustong ma­ku­long talaga si Baron pero ano pa nga ba ang aaregluhin nila eh may ruling na ang korte? Ang magagawa na lang doon ay umapela si Baron.

Tanggapin man ni Baron ang hatol ng korte, ma­aari naman siyang mag-apply para sa probation dahil wala namang anim na taong pagkakakulong ang hatol sa kanya, at saka kung sakali, ngayon lang naman siya makukulong. Pero kung under probation nga siya o may record na gano’n, isang pagkakamali lang niya ay pasok na siya sa hoyo.

Pero ano pa nga ba ang iaapela ni Baron? Kung tutuusin ay patung-patong ang kanyang naging ka­song ganyan kaya baka mahirapan na siyang kumbinsihin ang korte na natangay lang ang kanyang emosyon ng isang role na kanyang ginagampanan.

Kaya walang nakakatagal, aktres sexually exploited ang mga nakakarelasyon

May nagbulong lang sa amin, nakipag-date rin daw pala ang isang aktres sa isang baguhang male sexy star na nakasama niya sa isang project. Talagang hindi rin makapagpigil ang aktres basta may nakita siyang guwapo.

Kaya nga raw walang tumatagal na karelasyon ang babaeng iyan eh kasi masyadong mahilig at ang feeling ng lalaki ay talagang ine-exploit niya sexually. Matindi talaga.

ANG HULING CHA-CHA

BARON GEISLER

BIT PLAYER

KAYA

LANG

NAMAN

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with