Jasmine mabilis na humahabol kay Anne
Ang suwerte ni Jasmine Curtis Smith dahil hindi pa nga siya natatagalan sa showbiz ay nanalo na siya bilang best supporting actress sa indie film na Transit, isa sa entries ng nakaraang Cinemalaya.
Tapos bigla-biglang ang movie na Transit ang isasali naman sa Oscars 2014 na nominee para sa best foreign language film category.
At least, maagang nakawala si Jasmine sa anino ng sikat niyang ate na si Anne Curtis na nag-start sa showbiz nung 12 years pa lang yata. Samantalang ang bilis, bilis ng asenso agad ng career ni Jasmine na, in fairness sa bagets, ay nakakuha ng mga magagandang review ang kanyang acting sa indie film na produced ni Direk Paul Soriano.
Naunahan din niya si Anne dahil dadalo na si Jasmine kasama ang cast ng Transit sa awards night. Hindi man manalo, feeling winner na rin si Jasmine dahil sa pambihirang privilege na makasama ang ginawang pelikula sa prestigious award-giving body tulad ng Academy Awards.
Jake, Ken, at Bea nag-iiwasan pa rin
Si Bea Binene pala ang unang nagpa-interview na split na sila ni Jake Vargas at hanggang ngayon ay hindi pa rin sila nagpapansinan. Dahil wala raw pinagsabihan ang kampo ng singer-actor. At kahit ayaw aminin ni Ken Chan na bagong nali-link kay Bea, hindi rin sila nagkikibuan o nag-uusap ni Jake na napansin ng mga nakapaligid sa kanila.
Pabor naman kay Ken ang mga nangyaring hiwalayan kina Bea at Jake dahil bigla rin siyang napansin sa eksena. May talent din pala ito sa singing kaya may laban din kay Jake. Pinagkukumpara na nga silang dalawa ngayon. Eh kung bigyan na lang kaya silang tatlo ng soap na love triangle?
Finalists ng Mr. Pogi umeeksena na agad
Bongga ang five finalists ng Mr. Pogi ng Eat Bulaga dahil bumuo sila ng kanilang singing group at tinawag nila ang grupo nilang MP5ive at malakas ang appeal ng limang bagets dahil sa napansin na sila ng viewers sa EB.
Hindi naman nakapagtataka dahil ganun talaga ang effect ng mga produkto ng EB ng GMA 7 na hindi na mabilang ang pinakasikat mula sa kanilang show.
Ang mga member ng group ng MP5ive ay sina Akim Aldover, Derek Lim, Vonz Militar, at Gillord Casino. Kasama nila sa original group ang grand winner ng Mr. Pogi na si John Edrick kaso na pull-out ng kanyang manager dahil may conflict sa kanyang talent.
Hindi naman nawalan ng pag-asa ang naiwang members dahil naghanap sila ng kapalit ni John. Nagpa-audition sila na i-post nila sa kanilang Facebook account at out of 200 na nag-tryout ay nakapasa si Vonz (Militar). Nakita raw nila na enjoy ito sa ginagawang pagsasayaw tulad nila, bukod sa mahusay itong dancer. Nagkataon pang kamukha ni Daniel Padilla ang bagets.
Thankful ang grupo sa kabutihan ni Vic Sotto at maging ng buong Dabarkads lalo na si Akim dahil super bait daw ni Bossing sa kanilang lahat. Kahit na naturingan daw sikat at respetado si Bossing ay ang bait-bait sa kanila nung contestant palang sila ng Mr. Pogi. Graduate si Akim ng masscom major in broadcasting sa Letran. Meron siyang guesting ngayon sa Mars ngayong Lunes ng umaga.
Ginagawa na ang kanilang CD Lite at meron na silang isang kanta na nabuo na may title na Pero. Si Larry Hermoso ang nag-compose. Si Larry din ang producer ng sikat na grupo noong Jeremiah.
- Latest