Kung si Aljur Abrenica, kapag tinanong kung sino ang kanyang prinsesa, mabilis niyang sinasagot na si Kris Bernal ang prinsesa ng buhay niya sa showbiz pero may totoong prinsesa siya ng buhay niya at alam na nating si Kylie Padilla iyon, hindi man niya sabihin. Pero si Kris, hirap na hirap sumagot kung sino naman ang prinsipe ng buhay niya at si Aljur ang isinasagot niya. Bakit kaya hindi man lamang niya mabanggit ang pangalan ni Carl Guevarra na boyfriend niya?
Tinanong namin si Aljur kung pinagbabawalan ba sila ng GMA na umamin kung sino ang totoo nilang mahal, wala raw naman. Hindi naman sila nakikialam sa personal na buhay nila.
Anyways, wala naman taÂlaÂgang problema si Aljur pagÂdaÂting kay Kris dahil very comfortable na sila bilang magka-love team after nilang makagawa ng 11 drama series pero ito ang first romantic-comedy drama series nila kaya inamin nilang medyo naninibago sila dahil nasanay sila sa mga drama series na ginawa nila. Thankful sila sa direktor nilang si Dondon Santos dahil anuman ang kulang nila, inaalalayan sila.
Mamaya na, sa early primetime slot, bago ang 24 Oras ang Prinsesa ng Buhay Ko na kasama rin nila sina LJ Reyes at ang bagong Kapuso actor, si Renz Fernandez.
Kristoffer umaapelang ’wag agad husgahan
Inamin ni Kristoffer Martin na may pressure sa kanya ang pagtatambal nila ni Julie Anne San Jose sa musical drama series na Kahit Nasaan Ka Man. Mamaya pa lamang kasi ang pilot episode nila after ng 24 Oras pero may mga basher na siya sa social media na wala raw siyang karapatang maging leading man ni Julie Anne. Probably, sila iyong fans ng JuliElmo. Pero sabi nga ni Kristoffer, sana raw ay panoorin muna nila ang kanilang soap bago siya husgahan.
In fairness sa teen star, napakahusay niyang aktor at maganda rin ang boses niya na bagay sa role niya na isang young man na mahilig kumanta at tumugtog ng gitara. Si Kristoffer, hindi naman niya papatulan ang mga basher na iyon, pagbubutihin na lamang niya ang pag-arte para hindi niya mabigo ang GMA na nagbigay ng opportunity na mag-lead role na siya lalo pa at kasama nila ang mahuhusay na aktor na sina Ronaldo Valdez, Michael de Mesa, Eula Valdez, Tessie Tomas, Yayo Aguila, at Rita Avila, sa direksiyon naman ni Gil Tejada.
Richard apektado sa pagkanta sa matatanda
Naiiba sa jazz sensation na si Richard Poon ang pag-perform niya sa fund-raising concert na Growing Old With You held at the Celebrity Sports Plaza at Diliman, Quezon City for the benefit of the senior citizens of the Golden Acres Haven for the Elderly. May kurot daw sa puso ang pag-awit niya ng songs tungkol sa growing old.
Organized ang event ng Outbox Media Production Agency headed by its founder Rossel Velasco-Taberna.
Ang funds raised ay gagamitin sa medication and financial support of the residents of Golden Acres sa bagong tayong building sa Barangay Sampaloc in Tanay, Rizal for 140 abandoned, neglected, and homeless senior citizens.