Wala na rin pala si Amy Perez sa TV5. May statement pa ang network na para sa kanila ay naÂging isang mahalagang talent si Amy pero iniÂreÂresÂpeto nila ang desisyon ng aktres na umalis na sa kanilang network. Siguro nga nakakita rin ng poÂsibilidad si Amy na magkaroon ng show sa ibang networks.
Kung iisipin, ang show ni Amy na Face to Face, na ginaya sa Jerry Springer show, ay naging malakas na programa ng TV5 kahit na nga mahina ang kanilang signal. Naging interesting kasi iyon sa audience. Bukod sa natututo sila sa mga bagay na may kinalaman sa batas, lalo na nga dahil sa payo ng mga abogado, sa moralidad dahil sa payo ng isang pari, at sa iba pang mga bagay, nasa-satisfy din iyong hilig ng mga Pinoy sa tsismis.
Bumaba lang ang ratings ng show noong pinagpalit-palit nila ang oras kasi nahirapan na ang mga tao na sundan iyon. Sayang, iyon lang ang pag-asa nilang sana ay umaÂngat kahit paano.
Rosanna iaapela ang kaso, iiwas magbayad sa P2M
Iaapela raw ni Rosanna Roces ang kanyang kaso na pinagbabayad siya ng korte ng dalawang milyong piso sa GMA Network dahil sa breach of contract na isinampa ng huli laban sa kanya dahil sa sinasabing hindi niya pagtapos sa kanyang pananaÂgutan sa ilalim ng kontrata nila at paglabas pa niya sa ABS-CBN na kalaban ng kanyang dating home network.
Natural lang namang umapela siya, kung ayaw niyang magbayad ng dalawang milyong piso. Ibang usapan iyon kung sasabihin niyang wala naman siyang maibabayad na dalawang milyong piso. Inaamin naman niya na sa ngayon ay halos wala na ang kanyang career. Wala naman siyang pinagkakakitaang iba. Kaya nga pabiro niyang nasabi na “singilin nila si Bong Revilla, Jr,†dahil alam niya na iyon ang maraming pera.
Wala naman daw siyang ibang masamang ibig sabihin nang magbiro siya nang gano’n.
Sinasabi rin niya na hanggang ngayon, wala pa rin naman siyang natatanggap na kopya ng desisyon ng korte. Kasi sa mga civil case na ganyan, karaniwan nang hinihingi ng mga abogado na sa kanila na pabagsakin ang lahat ng notice na may kinalaman sa kaso sa halip na sa kanilang kliyente mismo. At nangyayari talaga ’yan na walang nakakarating na summons, at ni hindi na nalalaman ng kliyente kung ano ang nangyari, lalo na nga sa kaso niya na namatay pala ang abogado niyang humahawak. Natural, patay na, wala na rin ang kanyang law office na tumatanggap ng lahat ng notice.
Ang dapat sanang nangyari, noong mamatay ang kanyang abogado ay kumuha siya ng panibago na siya namang haharap sa korte para sa kanya pero hindi na niya nagawa iyon dahil nga siguro sa presumption na wala namang mangyayari. Ngayon, kung tutuusin dahil sa nangyari, ang isa pang posibilidad ay mag-file siya ng motion for reconsideration dahil sasabihin niyang namatay ang kanyang abogado at napabayaan nga ang kaso.
Aktres patagong sinusuportahan ng karelasyong gambling lord
Iyon palang sinasabing tumutulong at nagmamalasakit sa isang aktres ay front lamang. Ang nagbabayad daw pala ay isang kilalang gambling lord na patagong dyowa ng aktres.
Nagsimula lang daw iyon sa isang simpleng date, ’tapos ay naging isang relasyon na nga.