Magkaibang-magkaiba na ang hitsura ng kambal na sina Felix at Dominic Roco. Marami ang nagulat sa sobrang payat at mahabang buhok ngayon ni Felix. Iba sa hitsura ni Dominic na clean cut at ‘di payat na payat.
Nabanggit ni Felix na tama lang daw ang hitsura niya ngayon dahil para iyon sa bago niyang sasalihan na teleserye sa TV5 na Positive. Gaganap kasi siya bilang isang rakista na kaibigan ni Martin Escudero.
Dagdag pa niya na mabuti na raw iyong magkaiba sila ng hitsura ng kanyang kambal. Mas nagkakaroon sila ng kanya-kanyang identity.
“Mas okay na ring ganito ang hitsura ko, ‘tapos si Dom ang prim and proper,†sabi ni Felix.
At mas visible sa TV si Dominic kesa sa kakambal niya. Ang bago niyang teleserye ay Magkano Ba ang Pag-ibig at isa siya sa leading men ni Heart Evangelista. Samantalang si Felix ay noong 2012 pa napanood sa teleseryeng Angelito: Batang Ama.
Inamin ni Felix na nagkaroon siya ng masamang bisyo, ang paggamit ng bawal na gamot. Pero itinigil na raw niya ito.
“Hindi natin maiiwasan iyon. Nadadala rin kasi ng pera. Natututo rin naman tayo. Doon tayo natututo sa pagkakamali natin,†diin niya.
Ang naging dahilan ng kanyang paggamit ng droga ay dahil sa sama ng loob niya sa kanilang amang si Bembol Roco. Pero ngayon ay maayos na raw silang mag-ama.
Kapansin-pansin ang maraming tattoo ni Felix sa katawan. Lahat daw ng nakikitang tattoo sa kanya ay simbolo ng mga pinagdaanan niya sa buhay.
Pelikula na kuwentong barber ni Eugene Domingo magwo-world premiere sa Japan filmfest
Ang indie film na Barber’s Tales ni Jun Lana ay magkakaroon ng world premiere sa 26th Tokyo International Film Festival. Makikipaglaban ito sa labing-limang pelikula mula sa iba’t ibang bansa.
Ang kuwento ng Barber’s Tales ay tungkol sa isang biyuda na nakamana ng isang barber shop mula sa kanyang namayapang mister noong panahon ng Martial Law. Bida rito si Eugene Domingo.
Makakalaban ng Barber’s Tales ang mga gawa ng acclaimed Asian directors tulad ng To Live and Die ni Ordos Ning Ying from China; Red Family from South Korea’s Lee Ju-hyoung; Bending the Rules from Iran’s Behnam Behzadi; Au Revoir L’ete by Koji Fukada and Disregarded People by Hideo Sakaki both from Japan; and Drinking Buddies from USA’s Joe Swanberg.
Ang maghe-head ng jury this year ay ang ceÂlebrated Chinese filmmaker na si Chen Kaige.
Oprah ngayon lang umamim na muntik magka-nervous breakdown sa umpisa ng sariling TV network
Inamin ni Oprah Winfrey na nagkaroon siya ng nervous breakdown noong nagka-problema ang kanyang Oprah Winfrey Network (OWN) taong 2011.
The 59-year-old TV legend admits na nag-struggle daw ang OWN ng ilang buwan.
“In the beginning it was just sort of speeding and a kind of numbness and going from one thing to the next thing to the next thing.
“I will tell you when I realized that I thought, ‘All right, if I don’t calm down I’m gonna be in serious trouble.’ I was in the middle of doing voiceovers, you know? And I remember closing my eyes in between each page because looking at the page and the words at the same time was too much stimulation for my brain.
“I mean I wasn’t ready to go run naked in the streets. Let’s make that very clear. But I had reached a point where I just couldn’t take in anymore stimulation. OK? That’s what I meant by that,†pahayag ng showbiz icon.
After two years ay maayos na ang takbo ng OWN at maganda na ang mga natatanggap nitong ratings.
“Oprah is very fond of saying we’re exactly where we should be,†say ng presidente ng kumpanya na si Erik Logan. “We all knew it would take some time to take this turn; it certainly is a welcome narrative.â€