Ayon kay Celia Rodriguez nang makakwentuhan namin sa presscon ng Magkano Ba ang Pag-ibig ay kino-consider nito ang karakter ni Doña Hilaria Villasanta dahil hindi siya gaanong mag-e-effort bilang pinakamayaman sa kanilang bayan na aalukin si Heart Evangelista na pakasalan ang ikaapat na anak na lalaki na si Bobby o (Dominic Roco) na may mild mental retardation. Dala ng kahirapan ay baka tanggapin ni Eloisa (Heart Evangelista) ang alok ni Doña Hilaria na pakasalan ang anak nitong si Bobby.
Enjoy si Celia sa mga kabataang artista na kasama sa teleserye dahil propesyonal sila at magaling din umarte.
Sa kabilang banda tinanong namin ang glamorosang aktres na nakasama sa Ryzza Mae Show kung ano ang masasabi niya sa bata.
“Hanga ako sa talino niya. Bibigyan lang siya ng instruction ng direktor sa dressing room at bahala na ito sa kanyang mga interview. Spontaneous ang bata at alam kong sisikat siya nang husto balang araw.â€
Magsisimula ang Magkano Ba ang Pag-ibig sa September 30 sa GMA Afternoon Prime sa direksiyon ni Direk Maryo J. de los Reyes.
Katrina-Kris, magkahiwalay pa rin ng tirahan
Kasama rin si Katrina Halili sa Magkano Ba ang Pag-ibig? Bilang si Margot na isa sa mga anak ni Celia Rodriguez. Takot siya sa direktor nila dahil perfectionist ito at baka magalit sa kanyang pagkakamali.
Nakikinig siya sa instruction ni Direk Maryo, pinag-aaralan ang script at blockings para ‘di mapagalitan. Focused ito sa trabaho.
Ipinakita niya ang larawan ng kanyang anak na mag-iisang taong gulang na. Hindi pa rin sila magkasama sa iisang bubong ni Kris Lawrence na ama ng kanilang lovechild. Pero magkalapit ang kanilang tirahan at madalas namang dumadalaw ang singer sa kanila. May balak din pakasal ang dalawa balang araw.