^

Pang Movies

Raymart nai-stress sa mga demanda, pero hindi napapagod sa pagbabalik-balik sa korte

Mary Rose Antazo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nasa Marikina Regional Trial Court Hall of Justice kamakailan ang Kapuso actor na si Raymart Santiago sa hearing ng petition for Permanent Protection Order (PPO) na isinampa ng kanyang asawang si Claudine Barretto  laban sa kanya noong September 11.

Nagtagal nang mahigit  dalawa’t kalahating oras ang pagdinig at saka na nakausap ng media ang aktor at agad tinanong kung nakadalaw ba siya sa dalawang anak na sina Sabina at Santino noong nagkasakit ang mga ito.

 â€œBawal magsalita tungkol diyan, e. Basta tungkol sa mga bata, sorry,” maikling pahayag ni Raymart.

Hindi gaanong makapagbigay ng pahayag si Raymart dahil sa gag order na ipinatupad ng korte.

Bago pa man matapos ang hearing, umugong ang balitang nakatakda diumanong magsalita sa isang talk show si Raymart upang idepensa raw ang kanyang sarili. Totoo ba ito?

 â€œPinag-usapan pa. Basta hindi pa ako puwedeng magsalita, e, baka mapahamak tayo diyan. Ang pagkakaalam ko, baka [pag] magkamali ka nang sasabihin, baka ano pa ang mangyari,” sagot pa nito.

Dahil sa sunud-sunod na court hearings na kanyang pinupuntahan, naitanong sa kanya kung napapagod na ba siya?

 â€œPag meron kang ipinaglalaban, hindi naman nakakapagod, e.”

Mahirap ba?

 â€œSiyempre mahirap din pero matatapos at matatapos din naman ito.”

Ayon sa abogado ni Raymart, nai-stress na nang sobra ang kanyang kliyente. Paano ito nilalabanan ng aktor?  

 â€œAndiyan yung mga kaibigan ko, ‘yung mga matagal ko nang kaibigan na sumusuporta, ‘yung pamilya ko...

“Kumpleto kami na sumusuporta sa akin. Yun, masaya, masaya.”

Masaya rin si Raymart sa pagtatanggol sa kanya ng mga kapatid niya. Sabi pa niya, “Siyempre ganun naman ang magkakapatid.”

Ano naman ang reaksiyon niya na nadadamay ang kanyang mga kuya na sina Randy at Rowell sa isyu nilang ito ni Claudine?

Inakusahan pa nga ni Claudine ang mga ito ng pambu-”bully” diumano sa kanya.

 â€œSa tingin ko, wala namang sinabing masama yung mga kapatid ko, pinoprotektahan lang naman ako. Hindi ko alam kung anong bully dun sa sinabi nila,” sambit pa nito. -                                       

 

CLAUDINE

CLAUDINE BARRETTO

NASA MARIKINA REGIONAL TRIAL COURT HALL OF JUSTICE

PERMANENT PROTECTION ORDER

RAYMART

RAYMART SANTIAGO

SIYEMPRE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with