Dahil nga panay ang post ni Kris Aquino ng love quotes lately at inamin na nga rin niya sa Kris TV na may ka-text-text siya, sa exclusive interview niya sa The Buzz ay natanong sa kanya ang tungkol dito pero ayaw magsalita ng Queen of All Media.
“No comment talaga kasi I deserve privacy and happiness,†say niya.
“Sinabi lang sa akin, totoo naman eh, if you keep that aspect of your life private, mas may chance na mag-progress, mag-develop, at maging maligaya. So, mas maganda na tumahimik na lang ako.â€
Mas gustong pag-usapan ni Kris ang tungkol sa pelikula ng anak niyang si Bimby na My Little Bossings kasama si Vic Sotto and Ryzza Mae Dizon na entry to Metro Manila Film Festival this December.
Very proud si Kris sa pagkukuwento na this early ay nakikita niyang very focused ang anak sa trabaho.
“Parang alam niya kung ano ’yung trabaho talaga. Alam niya na focused dapat. ’Tapos nagbe-behave siya kaya nakaka-proud,†say niya.
Maganda rin daw ang rapport ng anak sa mga katrabaho lalo na kay Ryzza Mae.
Pero na-emphasize rin naman ni Kris na kahit pumayag siyang mag-artista ang bunsong anak, still, ang pag-aaral pa rin nito ang priority above everything else.
“Ayaw kong ma-deprive siya of a childhood also dahil puro trabaho,†she said.
Proud din si Kris sa panganay niyang anak na si Joshua na nahihilig naman sa sports. May 10-kilometer run daw ang anak at the end of this month at kailangan na naroroon sila to cheer.
Next year, plano raw ni Josh na makipag-compete sa triathlon.
Dahil kay Nora, Tuesday aminadong walang pag-asa maging best actress
Sa Sept. 22 ang awards night ng Cine Filipino Film Festival na gaganapin sa Resorts World Manila pero ngayon pa lang, ang unanimous prediction ng lahat ay si Nora Aunor na ang magwawagi bilang best actress na bida sa entry na Ang Kuwento ni Mabuti.
Kaya nga nang matanong si Tuesday Vargas about it na bida naman sa Ang Turkey Man ay Pabo Rin, hindi naman siya umaasa dahil alam niyang aside from Ate Guy ay naririyan pa si Angel Aquino na may entry din.
Sa pelikulang ang Ang Turkey Man ay Pabo Rin ay kakaibang Tuesday ang mapapanood natin.
“Oo, kasi hindi ako madalas nakikita na nagseseryoso. Makulit ang character ko rito pero makikita nila na kapag nade-develop na ’yung story, makikita nila ’yung other side ni Cookie (pangalan ng kanyang karakter), na malalim pala ang pinaghuhugutan,†she said.
First title roler ni Tuesday ang naturang pelikula at nagpapasalamat siya sa producer and director ng indie movie na si Randoplh Longjas sa pagtitiwalang ibinigay sa kanya.