Barbie naka-first base na kay Dennis!

MANILA, Philippines - Sa nalalapit na pagwawakas ng seryeng Anna Karenina ay nakakaramdam na ng pagkalungkot si Barbie Forteza pero higit daw sa lungkot ay ang saya at marami niyang natutunan habang ginagawa nila ang napakagandang teleseryeng ito na pinagbibidahan nila nina Joyce Ching at Krystal Reyes.

Naitanong din namin sa bagets ang tungkol sa kanyang ultimate crush na si Dennis Trillo, nalaman kasi namin na given the chance ay payag ang aktor na makasama siya sa isang proyekto.

Makaarte kaya siya sa harap ng kamera kapag ang crush na niya ang kaeksena?

“Siguro kailangan ko ng ano... ng matin­ding adjustment,” say ni Barbie nang makausap namin kamakailan.

Inamin din niya sa amin na textmates na sila ng aktor kaya naman kilig na kilig ang bagets.

 â€œAno po bang sabi niya? Opo pero hindi ko alam kung puwedeng sabihin, baka private,” napangiti si Barbie.

Nagsimula lang iyon nang magbigay siya ng yema na gawang Biñan (hometown ng bagets) na ipinadaan sa kanyang mommy. At ipinabigay naman sa production assistant ni Dennis. Kaya naitanong kung paano sila nagkapalitan ng number.

“Puwede ko ba ikuwento?” nag-aalangang sabi ni Barbie.

“Eh kasi ’yung sa yema, parang sa production assistant po ng My Husband’s Lover pinabigay, eh kasi close rin po namin nun.’ Tapos, kuwento lang po naman, hindi ko naman po sigurado, na hiningi raw po ni Sir Dennis ’yung number ko. Tineks po ako. Iyon, salamat daw sa yema.”

Isa pala iyon sa mga katuparan ng kanyang birthday wish na makuha nga ang number ng aktor.

“Actually, hindi ko naman talaga… ibang usapan na ’yung magiging textmates kami,” rason ni Barbie.

“Ang hiling ko lang naman noong birthday ko, makuha ko ’yung number niya, so, okay na iyon. Sobrang kuntento na ako run. Eh natupad at nag-text! Ayun, okay na ’yun!”

             

Show comments