^

Pang Movies

Aga na-trauma na sa pulitika

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Natuwa kami sa sinabi ni Aga Muhlach noong tanungin siya kung sa susunod na eleksiyon ay muli siyang tatakbo. Ang maikli niyang sagot ay “hindi na.”

Matagal na naming kilala si Aga, at tama ang sinasabi niya na sa buong panahon ng kanyang buhay ay hindi siya nandaya, hindi siya nagnakaw. Hindi rin naman siya nag-isip ng masama sa kanino man. Napaka-wholesome ng taong iyan. Nagkakamali rin siya at sino nga bang tao ang perpekto? Pero hindi kabilang sa kanyang pagkakamali ang panlalamang sa kapwa o pag-aambisyong makuha ang mga bagay na hindi naman sa kanya talaga.

Noon pa namin sinasabi iyan, noong kumakandidato pa lamang si Aga. Alam namin kung mana­nalo ay karapat-dapat siya dahil maglilingkod siya ng tapat pero nalulungkot kami dahil mababawasan ng isang mahusay na aktor at ang mas ikinatatakot namin ay ang masira nga ang kanyang pangalan kahit na wala naman siyang ginagawang kasalanan.

Alam din naman ninyo ang pulitika dito sa atin, kahit na hindi totoo, masiraan lang ang kalaban gagawin nila. Example na nga lang ang ginawa kay Aga mismo eh. Noong una, hindi raw siya residente ng kanilang lugar kaya gusto siyang ipa-disqualify. Noong hindi makalusot iyon, umabot pa sa sukdulan, hindi raw Pilipino si Aga, may passport pa raw na Espanyol, dahil ang pamilya nila ay Kastila. Tingnan ninyo ang kasinungalingang iyan. 

Kaya nga ngayon ikinatutuwa namin na ayaw na munang mahalo ni Aga sa pulitika at sana nga huwag na niyang maisipan pang muli.

Jolina proud na ikalat ang lahi ng asawa

Gusto raw talaga ni Jolina Magdangal na lalaki ang kanyang maging panganay na anak. Iyon naman kasi ang karaniwang ambisyon ng mga mag-asawa, na ang pa­nga­nay nila ay maging la­la­ki. Iyon kasi ang katiyakan na lalawak pa ang kanilang lahi pagdating ng araw. Kung babae nga naman ang anak, oras na mag-asawa na ay iba na ang apelyido.

Pero ang sinasabi naman ng kanyang asawa, lalaki man o babae ang maging anak nila ay pa­reho nilang ikatutuwa. Basta ang mahalaga naman sa kanya ay lumaki na ang kanilang pamilya.

Tingnan ninyo si Jolina, wise. Hindi nag-asawa hanggang hindi siya sigurado. Isipin ninyo kung nagmadali siya at nabagsak sa “bungi” eh di yari?

Talent manager abot-langit

magpapresyo sa mga alaga,

humihingi pa ng insurance sa

out-of-town shows

 Pinag-uusapan nila ang isang babaeng talent manager, na ang akala yata ay superstar na ang kanyang mga alaga, na kung magpresyo sa mga out-of-town show, aka­la mo laban ni Manny Pacquiao, at hu­mihingi pa ng insurance.

Hindi naman ganyan kahit na ang mga mas sikat na artista pa eh. Kaya tingnan ninyo, lahat ng mga talent niya walang su­mikat. Lahat ng mga alaga niya ay naging tokwa.

vuukle comment

AGA MUHLACH

ALAM

IYON

JOLINA

NAMAN

SHY

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with